jump to navigation

flip the page Pebrero 5, 2010

Posted by wei vines in Uncategorized.
13 comments

hindi totoong nawala na ang gagitos…sino nagsabi nun? ako lang ba? tsk! busy lang kami..at nagmature naman kami kahit pano. Sometimes, you gonna fight to what you really believe in… but sometimes, you just let go and don’t forget to let your heart beat… ummm di ba realated? heniway… (more…)

Advertisements

seryoso muna. Oktubre 4, 2008

Posted by petot. in Uncategorized.
Tags:
10 comments

Kamusta na kaya ang mga gagitos?

Kung inyong mapapansin, nakakatuwang isipin na August 9 pa ang huling post.

At ako ang isang walang kwentang wala pang naipopost. Kaya kunware magpopost ako at magsesermon kuno sa lahat.

Pero. Wag nyong isipin na sila (oo, yung mga masisipag mag-post) ay nakatambay lang sa kanto sa mga oras na to. Sila ngayon ay nagseseryoso sa kanilang pag-aaral kuno. Oha. Tares, kagagaling noh. Pero seryoso rin ako don.

Malamang sa sembreak gising na ulit ang mga KALOG. Ayos! 😀

ANG BATANG MASIPAG LUMALAKING KATULONG.

hold…ing-up Hulyo 31, 2008

Posted by wei vines in Uncategorized.
Tags: , , , , , , ,
34 comments

Nung pangatlong taon ko sa kolehiyo (last year) at sa tinagal tagal ko naman sa lungsod tsaka ko na experience yung mga na experience ng classmates ko: ang ma holdap-=>sa efex. Nung sinabihan na kami ng : “akin na ang bag mo!” eh medyo napikon ako na medyo natuwa. Napikon kasi, tumatayming sila na pagod nako. Natuwa naman kasi, baby face pa pala ko; na paglingon ko naman eh nakaturok na sa lalamunan ng utol ko yung kutsilyo.

At dahil nakatutok na nga sa kanya, hinarang ko na yung katawan ko para ako na lang yung tutukan. Kaya ginawa ko? Sumigaw ako. Sumigaw na rin yung utol ko na ewan ko ba at natakot bigla ang magnanakaw kaya di na nila kinuha yung bag ng kapatid ko. Astig noh? Di ren. Nakalimutan ko na kasi kung pano yung tono ng pagsigaw ko ng ” aaaaaaAAAhhhhhh!” with back up vocals na ” aaaahhhhhh” ng kapatid ko. Kaya heto, sa mga mukang baby face na katulad ko o yung mga mukang tatanga -tanga na katulad ng kapatid ko, eto yung mga successful stories na naikwento ng mga barkada kong nakaranas at mga friends friends nilang naka experience.

-SUMIGAAAWWW

ng kahit ano. Mahaba yung salitang “TU-LONGGG” at nakakaubos naman ang salitang “HELLLLPPP” kaya sumigaw ka na lang ng “AAAHHHHHHH” in a way na nasasaktan ka at hindi nasasarapan.

-IBATO ANG CELLPHONE

para parehas kayong hindi na makinabang. Nangyari to sa kuya ng barkada ko at ang reaksyon ng holdaper? Natulala saka tumakbo.

-IBIGAY ANG WALLET NG WALANG LAMAN.

at ibabato pa sayo ng holdaper ang wallet mo. Na-experience naman to ng isang Fine arts stud habang naglalakad:

Holdaper: Aken na wallet mo!

stud: (binigay ang wallet)

Holdaper: (tumakbo na)

after 3 minutes… bumalik ang holdaper at binato sa harapan ni stud ang wallet niya:

Holdaper: putangina! Wala namang laman wallet mo eh!

Stud: kaya nga naglalakad ehh….

-Pag natunugan mo na may holdaper sa jeep

~either bumaba ka na katulad ng ginawa namin ng tita ko

~o itago sa boobs ang cellphone katulad ng ginawa ng babaeng katapat namin sa jeep.

-Meron pa pala.. pag hinoholdap ka na sa kalye, wag mahiyang lumapit sa mga taong nakakakita sa inyo. Like etong I.S. stud na freshie pa lang nun. Lumapit sa mga nakaunipormeng arki.

Holdaper: putangina! ilabas mo ang wallet mo! (tinutukan ang barkada ko. Take note, madami sila, mga lima)

I.S. stud: (medyo di na alam ang i-rereact nung nakita niya sa di kalayuan ang arki boys sa di kalayuan. Take note uli, mga 4th yr na tong mga to kaya mga mukang ‘tigasin’ na sa kalye.Kaya napasigaw siya ng:) KUYA OHHH!!!

Arki Boy: oh?!! andito ka pala, tara, sama ka na samen

At naligtas si I.S. stud.

Laging isipin: if you sense danger, wag mong sarilinin. Tayo tayo na lang may sungay na may tino pa sa utak ang nagdadamayan, wether magkakilala tayo o hindi. Ang pinakamasamang hampas-tao na makikilala mo sa lupa ay yung mga tumitingin lang sa eksena habang sumisigaw ka na ng saklolo.

renovation… Hulyo 11, 2008

Posted by wei vines in Uncategorized.
Tags: ,
14 comments

of reality.

……

…….

..

hmmm, hindi na po buhay baboy ang gagitos ngaun. Nakakasawa na rin kasi magpakababoy eh, kaya heto, back to reality, back to paperworks and back to school promo ang buhay namen ngaun. hehe, sige, basta keep on dropping by, malay mo, magpost na nang matino yung isa samen pag naka 100 ka nang balik. lols

xoxo,

lovelots,

sincerely,

wei vines

love late? Hunyo 25, 2008

Posted by wei vines in Fun fUn fuN, Uncategorized.
Tags: , , , ,
20 comments

hehe…maski si wei, nale late din during class hours. Simula nung ginawa ang batas para sa mga late, top one ako dun….-nung highschool at nung freshman years (2-3 hours late). At dahil trip ko magsulat ng ganito, ito ang tips and tricks para sa mga late sa school, sa work o sa ka date =)

1) tell the truth

-umamin kana kung kakagising mo lang, kung na traffic ka sa may stoplight at kung nakipagkita ka lang sa gf/bf/barkada mo at nakalimutan mo yung oras. Promise, mas marami pa silang itatanong sayo kung sinabi mong binangungot ka at di ka nagising agad.

2) Smile

-Sanay na sila sa mga pa epeks nating nakasimangot at badtrip pag pumapasok ng late kaya walang patawad na hindi ka na ilalagay sa attendance ni ser/mam at malamang na paginitan ka pa nang walang dahilan. Umepek to one time nung na late ako this sem lang. Kasi, sanay na silang nakasimangot ang mga late kaya make a difference diba? Smile =) at magugulat ka, magiiba ang reaksyon ng prof mo 0_o

3) Wag mag angas sa prof na matigas.

– Ayaw na ayaw nila ng maangas lalo na pag late na nga dumating sa klase tapos mag iingay ka pa. Kung gusto mo ng pasadong grade, better be good to them…or else, ballpen lang katapat mo.

4) Say sorry, but don’t promise anything.

-oo, epektib din yan. At alam din nila kung totoong nag ssorry ka o hinde. Wag ka na mangako, kasi hindi mo alam ang future diba? eto lang..eto pa lang. Kung may dadagdag…feel free to comment =)