jump to navigation

Sarah Ang Munting Prinsesa(?): Naaalala niyo pa ba ako? Setyembre 1, 2009

Posted by akda in copy paste, Fun fUn fuN, TV.
Tags: , , , , , , , , , ,
9 comments

Naging uso to dati, remember?! Natagpuan ko to dahil kay dave. Langya, it made my day. HAHAHA.

Sige, laban?!

Advertisements

Takip Toilet Marso 24, 2009

Posted by akda in Annoying Sights, Bomba sa Siyudad, copy paste, Fun fUn fuN, TV.
Tags: , , , , , , , , , , , , ,
14 comments

Lalong naging major hit ang twilight nung ginawa ito ng movie. Yung libro, hmmm, ok lang naman, kinikilig-kilig ako nung una. Pero technically, isa lang siyang compilation  ng mushiness at mga mabulaklak na banat ng mga taong inlove.

Naunang pumutok (?) ang balitang gagawa daw ng Tagalog version ng Twilight. Takipsilim. Pero siyempre, tsismis lang talaga yon, tulad ng tsismis na gagawa din daw ng Gossip Girl Pinoy version. Oh please, hindi pa ba nakukuntento ang media sa kung anong kalokohan ang nagaganap sa ngayon? And their proud of it. Let\’s name some.

1. My Girl

2. Marimar (http://justmypersonalopinions.blogspot.com/2009/03/pinoy-remake-of-zorro.html)

3. Kim Sam Soon (http://justmypersonalopinions.blogspot.com/2009/03/pinoy-remake-of-zorro.html)

4. All About Eve (http://justmypersonalopinions.blogspot.com/2009/03/pinoy-remake-of-zorro.html)

5. Zorro (http://justmypersonalopinions.blogspot.com/2009/03/pinoy-remake-of-zorro.html) –akshalli, nagulat ako nung nabasa kong meron palang remake ng zorro. ampf.

6. at marami pang iba.

Ewan ko, nagsh-shrink na din ang originality ng mga pinoy. Sa susunod, magiging kasing liit na lang yan ng presidente naten. Hindi ko kayang maging proud sa industriyang ito. Showbiz na showbiz. Pambenta. Walang kwenta. Mas mabuti pang manuod ng indie films. Ang indie films, konti man ang budget, mas may laman. Rawr.

Anyways, sideways… Hindi ko naman balak alipustahin ang pelikulang pilipino, at pati na ang mga pinoy remakes (sa ibang araw, ibang post ko na lang yon gagawin), natawa lang ako ng sobra sa mga kalokohang versions ng Twilight posters. Take a look…

Twilight

Twilight

Papahuli ba si Shaina at Rayver. LULS.

Takipsilim

Takipsilim

At eto ang pinakalatest kong pinagtawanan… Salamat kay Pugo para sa larawang ito. ^_^

Toilet

Toilet

Ay! Ayoko Sa Kanila! Hunyo 22, 2008

Posted by akda in Annoying Sights, Bomba sa Siyudad, Fun fUn fuN, TV.
Tags: , ,
16 comments

Na-inspire naman ako sa post ng aking kapwa Gagitos stockholder na si Dave tungkol sa mga feelers (ng notebook). Di ko na sila naisip na gawan ng post nuong nakita ko sila sa kahong pampasaya aka telebisyon, ngunit, dahil sa tagal ng pagkatengga ni aKDa, aba;’y magpopost na ko bago pa ko mapatalsik sa Gagitos [ahem!ahem!].

Number one. Uso ba ang pagiging rakista ngayon? Bukod sa dumadami ang “Pogi Rock” bands, eh dumadami din ang mga “Diva Rakistas”. Ampanget.

RACHELLE ANN GO

Dati pa naman, relaxed na relaxed ako sa pagkanta niya, pero nagulantang ako nung may mga live shows siya na talaga namang parang gusto niyang gawing tulad ng mga eksena sa Muziklaban. LOL. Oh girl, save it for the bed na lang.

Hindi ako masyadong panatiko ng mga noontime kalokohan, ngunit, sa pagkakataong ito, eh na-entertain ako pramis. Bukod sa nrindi-rindi ako sa “hey hey”– “sing with me”– “uh uh”, eh tawang-tawa naman ako. Come on Mamon! Just because you’re wearing black, have long curly hair, and have a band, dowsn’t make you a hellovarockstar man.

Come on! Sing with me! Hahaha

eh aba naman! tinalo pa niya si Sam Milby! LOL.

Note : Idol ko po si Sam Milby. And hu da hell is Sam Milby? Ah ewan ko ba. Hahaha.

–Another lost being…

BEA ALONZO

I don’t really like the pacute thingy that hiding behind the scarred values and ethics. It’s stupid man. Thats all.

Orgasm Idol Mayo 22, 2008

Posted by akda in copy paste, Fun fUn fuN, TV.
Tags: , , , ,
19 comments

Di po ako regular na manunuod ng American Idol, at nakarating lamang sakin ang mga bali-balitang ito through friends and fans, ngunit, mahal na mahal ko talaga si Jason Castro. Hehe.

—–+—–

Matapos kong maging idolo si Ken Lee sa kanyang pambabara sa isa sa mga judges nung tanugnin siya kuyng “Without You” ba yung title ng kakantahin niya…

Judge : …And what are you gonna sing?

Ken Lee : Ken Lee

J : You mean, Without You?

KL : No, Ken Lee.

Haha! Benta, eto isa sa mga pinakanatawa akong video. At isa sa mga unexpected kong kanta na nabago ang title.

Watch Ken Lee

Oh well, samuel, niluma na ng panahon si Ken Lee, at pinatumba naman siya ng isa pang mas malupet na audition sa American Idol…

Whew! Can you feel the heat? Oye! Haha.

Si TigiDingdong Mayo 9, 2008

Posted by dave1112 in Annoying Sights, Fun fUn fuN, TV.
Tags: , , , , , , , ,
16 comments

Alien na lang and di kilala yan! Oo siya nga, ang isa sa mga sikat na leading man ngayon sa TV ng Pilipinas. Ayan a, di ko sinabing pinakasikat at baka magalit mga “pans” ni Piolo. Bwahaha..

Minsan isang gabi habang nagre-research ako para sa isa kong subject ngayong summer ay may nakita akong kakaiba. Sa Wikipedia talaga ako nagreresearch. Usual habit ko (na parang bad habit na) e yung habang nagbabasa ako, magki-click ako ng link. Open ko sa new tab. Hayaan ko lang sya dun. Pag tapos na ko sa isa kong binabasa, yung naman isang tab na in-open ko earlier ang gagahasain ko. At sa tab na yun may makikita na naman akong link. Mahina na ang 3 link na makikita ko. Yung mga link, either sa site din na yun or external na. Minsan nga napagtripan ko bilangin kung ilang tab na ang nao-open ko. Ni-try ko bilangin isa isa. Nahilo naman ako, nakakaduling. Kaya ang ginawa ko, nagtangka ako i-close ang Firefox. Edi ayun may pop up na lumabas:

“You are about to close 64 tabs. Are you sure you want to continue?”

Huwaaaat?! Ganon na pala karami naka-open. Ang adik ko talaga hahaha. Kaya hindi na rin ako nagtaka kung bakit ang dalas mag-hang ng browser ko nun. 64 tabs ba naman ang naka-open. Hahaha. So tuloy ang pagbabasa. Nung malapit na maubos ang pulutong ng mga tabs may site dun naka-open. Celebrity profiles ng mga pinoy ta-artits. Binulatlat ko naman. Wala ako maisip na hahanapin kaya yung nasa featured na lang pinakialaman ko:

Profile ni Angel Locsin, Marian Rivera, at ang nag iisang lalake, si Dingdong Dantes.

At as usual, 3 tabs na naman ang na-open. Basa lang ako ng konti, tapos lipat na klo sa iba. At ayun na nga, ang profile ni Sergioooooo. 😆 uy may picture. Tang*na! Napamura ako sa nakita.

(Click mo yung pic sa baba.)

At ngayong na-click mo na, anong masasabi mo? Di ko pa rin alam hanggang sa ngayon kung ano nasinghot ng nag-upload ng picture na yan. Akala ko nga parte ng Google AdSense. Sana nga parte na lang ng AdSense, pero hindi e, sa profile talaga ni “dingdong” yun. Audition ba to sa Dyesebel? Naku po! Late na. Sige sa susunod na Filipino TV remake ng GMA ng “The Beauty and the….Beanstalk” 😛

P.S. Sa mga nabagabag na kaluluwa (pasensya na po) na gustong malaman ang site, pakitingnan na lang po ang picture ulit. Nandun ang address. Sige para sa mga tamad at mga hindi pa maka-get-over sa mga pangyayari, eto na. At bago ko nga po pala i-post to, bumalik uli ako sa site na yun. Sa kasamaang palad po, si Dingdong na talaga ang naka-front na picture dun. At nabago na rin po ng konti ang site. Browse na lang po kayo sa Photo Gallery, nandun pa rin po ang “suspek.” 😆 😛