jump to navigation

bidibi x Hulyo 7, 2009

Posted by wei vines in copy paste.
trackback

Nakuha ko lang to from peysbuk, i know copy paste lang to kaya wala kong malagay na author… haha!! pero natuwa ako…sobrang haba niya kaya di ko lahat ni-copy paste. Ni relate ko na lang to sa mga kapwa ko gagitos na nahilig din sa mga ‘to. At di ako abswelto dito.. hehe

BATANG 90’s ka ba?

-Masaya ka kapag naglalaro ka ng Tex at Pog. Kadalasan ang design dito ay yung mga palabas sa TV, mga drama o kaya anime, may dialogue pa. lol.

• May comics pa ang bazooka. Kahit di mo maintindihan yung Fortune Cookie sa huli ay collection mo pa rin yun.

• Ang mga babae naglalaro ng paper dolls na tigpipiso bawat isang set sa sari-sari store.

• Kung lalake ka, siguradong may pellet gun ka.

• Kung babae ka, nagkaroon ka ng butterfly hairclips/rings. (si Jolina ang nagpauso nito.) haha.

• Naglalagay ka ng Kisses (yung mabango) sa pencil case mo, o kaya sa isang lalagyan na may bulak, alcohol at tinutusok ng karayom para mabilis manganak.

• May free stickers ng Disney movies sa loob ng Maggi noodles.

• Pinapatunog mo yung takip ng Gatorade.

• Pampalipas oras mo dati ang paglalaro ng Brick Game, at swerte yung mga may advanced version na may tumatagos na blocks para mapuno na yung gap sa loob. Mas advanced ka kung Tamagotchi ang nilalaro mo. Pinapakain mo, pinapatulog mo, at inililibing mo kung namatay na. At kung talagang kaya nyong bumili, Game Boy ang sayo. Pero kung wala ka talaga, yung laruan na lang na may tubig sa loob tapos dapat ma-shoot mo yung mga bilog sa stick na maliit

• Bago magsimula ang klase, nakikilaro ka muna sa 10-20, jackstone, langit lupa, ice water, taguan, dr. quack quack, tumbang preso, pepsi seven up at agawan base. Di bale nang madumi na ang uniform mo pagpasok ng classroom.

• Sinasabi mo sa kaklase mo na “Liars go to hell” kapag tingin mo nagsisinungaling sya. “Cross my heart, hope to die” kapag nangangako ka. “Period no erase” kapag gusto mo walang kumontra sayo. Kaya lang wala kang lusot kapag sinabi ng kaklase mo na “Akin yung factory ng pambura”.

• Wala pang PS/PS2, XBox, Wii, atbp. noon. Family Computer pa lang, yung cartridge yung bala. Usong laro ang Mario Bros., Battle City at Rambo. (<<<WEI:shuks. Namimiss ko na yung battle city! wahahaha~!~)

• Alam mo ang kanta ng Spice Girls at may favorite ka sa kanila. Kung fan ka talaga, may poster ka pa at casette tape ka pa nila.

• Ang tinutugtog lagi sa radyo ay mga kanta ng mga banda gaya ng Eraserheads, Parokya ni Edgar nung nagpapalda pa lang sila, Alamid, Rivermaya, True Faith, The Youth, Afterimage at kung anu-ano pang pinoy bands.

• Tape pa ang uso, di CD or MP3 players. Pag gusto mo yung kanta kailangan tantyahin mo kung ilang seconds i-rewind yun para mabilis paulit-ulitin.
• Kinakanta nyo dati sa school yung “Heal the World”, “Tell the World of His Love”, “Jubilee Song”, etc.

• Nanonood ka dati ng Power Rangers, Captain Planet o Ninja Turtles. Nagkukunyari pa kayo ng mga kaibigan mo na kayo yun at nagkakasipaan kayo.

(WAIT! HINHINGAL NAKO MAG COPY PASTE! AHAHAHA!!)

• Sinubaybayan mo ang Ghost Fighter at ang Dragon Ball. Naging favorite mo si Eugene at si Goku.

• Batibot ang usong palabas. Akala mo nga mag-dyowa o mag-asawa sina Kuya Bodjie at Ate Sheena.

• Napanood mo ang Batang X.

• Nakikita mo sa balita na may mga kultong nagtatago na sa kweba, kasi magugunaw na ang mundo sa year 2000, at yung mga computer daw bigla na lang mag-shu-shut down at mawawala na daw ang technology.

**********

just a thought: ano naman isusulat ng mga millenium babies? hahaha!! alam mo ang mga counter strike, dota at psx?that sucks. LOL.

Advertisements

Mga Puna»

1. avegirl - Hulyo 11, 2009

• Bago magsimula ang klase, nakikilaro ka muna sa 10-20, jackstone, langit lupa, ice water, taguan, dr. quack quack, tumbang preso, pepsi seven up at agawan base. Di bale nang madumi na ang uniform mo pagpasok ng classroom.

-kahit pagkauwi sa bahay or pag walang pasok nakikipaglaro ako sa mga kapitbahay namin, minsan tatakas pa ko para lang makipag laro.;D

hahaha!!! saya noh?hehe

2. Ampness! - Hulyo 22, 2009

• Pampalipas oras mo dati ang paglalaro ng Brick Game, at swerte yung mga may advanced version na may tumatagos na blocks para mapuno na yung gap sa loob. Mas advanced ka kung Tamagotchi ang nilalaro mo. Pinapakain mo, pinapatulog mo, at inililibing mo kung namatay na. At kung talagang kaya nyong bumili, Game Boy ang sayo. Pero kung wala ka talaga, yung laruan na lang na may tubig sa loob tapos dapat ma-shoot mo yung mga bilog sa stick na maliit

May PS na rin naman nun, yun nga laro ko eh. Hahaha 😀

Bago ko nga palang bahay: http://buhaynurse.wordpress.com

aKDa - Hulyo 23, 2009

ay yaman. ako tamagochi lang, brick game, saka yung laruan na may tubig! di ako umabot sa ps e. LOL.

Ampness! - Hulyo 23, 2009

Naranasan ko rin naman laruin yang mga yan. Pati pa nga “goodboy” eh, lam nyo yun? Hehe

wei vines - Hulyo 23, 2009

goodboy??hmmm gameboy ako tsaka nintendo family game chu chu ba un? haha

Ampness! - Hulyo 24, 2009

Parang family computer din sya kuya Wei. ^^

3. aKDa - Hulyo 23, 2009

ay naku wei. talagang bentang-benta yung mga laro dati. ako gna dati, walang pake kahit pawisan ako lagi, saka madungis, basta enjoy pa din. at oo, may koleksyon din ako ng teks, magaling pa akong pumektus nun, kaya natatalo ko ung mga kalaro ko. ahahaha.

yung ghost fighter, tinatakbo ko pa dati ung school namin pauwi sa bahay para lang makaabot dun, at nalungkot ako nung natapos na, sabi ko pa”tatawag ako sa gma para ulitin nila yung ghost fighter!” ahahaha. gma nga ba yon? diba? gma yun? LOL

Ampness! - Hulyo 23, 2009

Lol. Gma yun. XD

4. bob - Oktubre 30, 2009

cinite na ‘to ni bob ong sa “bakit baligtad magbasa ng libro ang mga pilipino”, siguro may author dun

5. wei vines - Nobyembre 6, 2009

ahh ganun ba?? alam ko batang 70’s eh..oh well..im not a fan ^^


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: