jump to navigation

hold…ing-up Hulyo 31, 2008

Posted by wei vines in Uncategorized.
Tags: , , , , , , ,
trackback

Nung pangatlong taon ko sa kolehiyo (last year) at sa tinagal tagal ko naman sa lungsod tsaka ko na experience yung mga na experience ng classmates ko: ang ma holdap-=>sa efex. Nung sinabihan na kami ng : “akin na ang bag mo!” eh medyo napikon ako na medyo natuwa. Napikon kasi, tumatayming sila na pagod nako. Natuwa naman kasi, baby face pa pala ko; na paglingon ko naman eh nakaturok na sa lalamunan ng utol ko yung kutsilyo.

At dahil nakatutok na nga sa kanya, hinarang ko na yung katawan ko para ako na lang yung tutukan. Kaya ginawa ko? Sumigaw ako. Sumigaw na rin yung utol ko na ewan ko ba at natakot bigla ang magnanakaw kaya di na nila kinuha yung bag ng kapatid ko. Astig noh? Di ren. Nakalimutan ko na kasi kung pano yung tono ng pagsigaw ko ng ” aaaaaaAAAhhhhhh!” with back up vocals na ” aaaahhhhhh” ng kapatid ko. Kaya heto, sa mga mukang baby face na katulad ko o yung mga mukang tatanga -tanga na katulad ng kapatid ko, eto yung mga successful stories na naikwento ng mga barkada kong nakaranas at mga friends friends nilang naka experience.

-SUMIGAAAWWW

ng kahit ano. Mahaba yung salitang “TU-LONGGG” at nakakaubos naman ang salitang “HELLLLPPP” kaya sumigaw ka na lang ng “AAAHHHHHHH” in a way na nasasaktan ka at hindi nasasarapan.

-IBATO ANG CELLPHONE

para parehas kayong hindi na makinabang. Nangyari to sa kuya ng barkada ko at ang reaksyon ng holdaper? Natulala saka tumakbo.

-IBIGAY ANG WALLET NG WALANG LAMAN.

at ibabato pa sayo ng holdaper ang wallet mo. Na-experience naman to ng isang Fine arts stud habang naglalakad:

Holdaper: Aken na wallet mo!

stud: (binigay ang wallet)

Holdaper: (tumakbo na)

after 3 minutes… bumalik ang holdaper at binato sa harapan ni stud ang wallet niya:

Holdaper: putangina! Wala namang laman wallet mo eh!

Stud: kaya nga naglalakad ehh….

-Pag natunugan mo na may holdaper sa jeep

~either bumaba ka na katulad ng ginawa namin ng tita ko

~o itago sa boobs ang cellphone katulad ng ginawa ng babaeng katapat namin sa jeep.

-Meron pa pala.. pag hinoholdap ka na sa kalye, wag mahiyang lumapit sa mga taong nakakakita sa inyo. Like etong I.S. stud na freshie pa lang nun. Lumapit sa mga nakaunipormeng arki.

Holdaper: putangina! ilabas mo ang wallet mo! (tinutukan ang barkada ko. Take note, madami sila, mga lima)

I.S. stud: (medyo di na alam ang i-rereact nung nakita niya sa di kalayuan ang arki boys sa di kalayuan. Take note uli, mga 4th yr na tong mga to kaya mga mukang ‘tigasin’ na sa kalye.Kaya napasigaw siya ng:) KUYA OHHH!!!

Arki Boy: oh?!! andito ka pala, tara, sama ka na samen

At naligtas si I.S. stud.

Laging isipin: if you sense danger, wag mong sarilinin. Tayo tayo na lang may sungay na may tino pa sa utak ang nagdadamayan, wether magkakilala tayo o hindi. Ang pinakamasamang hampas-tao na makikilala mo sa lupa ay yung mga tumitingin lang sa eksena habang sumisigaw ka na ng saklolo.

Advertisements

Mga Puna»

1. utakmunggo - Agosto 1, 2008

“…kaya nga naglalakad ehh…”

hahaha parang babol gang ah.

naaaliw ako sa post na ito kahit na seryosong usapin ang madalas na holdapan sa pinas. ang dami ng gago ngayon, dog eat dog na dahil sa kahirapan.

e pero pero pano naman naisiksik ng babae yung cell nya sa boobs? baka puro padding ano? maraming space sa kanyang bra kaya secured na secured ang cell niya.

at ikaw naman, nagawa mo pang makiusyoso sa business ng may business sa mga sandaling yon. haha

2. wei vines - Agosto 1, 2008

hehe… yun nga eh, mahirap ka na nga at gumagawa ka ng tama, tapos gagaguhin ka pa? ampf na yan. Yung fine arts stud, syempre, natural na lang din sa mga may course ng drawing and drafting na maubusan ng pera kakabili ng gamit tapos, kami pa pinagiinitan ng timawa holdapin!


haha! yun po hindi ko alam! siguro nga padding kasi malaki eh! tsaka naka jacket siya kaya hindi ko alam πŸ˜†

at woi.. di naman, napansin ko lang kasi katapat ko πŸ˜†

3. wei vines - Agosto 1, 2008

co-gagitos.. paki link naman yung pic ni stewie sa fathead.com.. sa kanila galing yun eh. baka makasuhan pa tayo..
thanks
mwah!

lots of love,
WEI

4. lakwatsero - Agosto 1, 2008

hahaha, natawa naman ako, epektib din pala ang pagsigaw, pero dapat me kaduet… naku ilang beses na akong naholdap, at letse silang mga magnanakaw! salamat sa pagbisita sa blag ko πŸ˜€

5. dave1112 - Agosto 1, 2008

wei – did it! linked na. haha. πŸ˜†

woohoo may new post na naman, ikaw pala magbbreak ng ice πŸ˜€ ako rin nagbabalak balak mag post πŸ˜† basta kung kelan? ewan na lang… bwahahaha..

6. wei vines - Agosto 2, 2008

@ lakwatsero- yeah.. epektib talaga..kaya yanigin mo sila ng pagsigaw mo..heheh and woi! di ko naman sinabi na bumisita ka dito ah? bwahahahahah!! salamat sa pagdaan πŸ˜†

@dave-hehe.. naawa nako eh.. nyahahaha!! di bale, bawi na lang tayo sa prelim πŸ˜‰ salamat sa paglink πŸ˜‰

7. rimewire - Agosto 2, 2008

saws sa fx?

hakhak

ayan natakot tuloy ako

hakhak

fx p naman sinasakyan ko pauwi

hakhak

kaya cge, pgaaralan ku yan sigaw niu

hakhak

elyens

XXXxx

8. wei vines - Agosto 3, 2008

rime- basta pag di ka komportable dyan sa efex, baba ka na lang! mas safe πŸ™‚

9. wei vines - Agosto 3, 2008

uhmm may nadagdag ako dito mga tsong..at nakalimutan kong ilagay..sensya naman hehe.. wala lang ^^

10. aKDa - Agosto 3, 2008

Ang pinakamasamang hampas-tao na makikilala mo sa lupa ay yung mga tumitingin lang sa eksena habang sumisigaw ka na ng saklolo.

ayy oo …malupet tlgA tong mga ngas na to.! shitheads! hahaha!

11. caryn - Agosto 3, 2008

winner tong post na ito. may kabarkada akong napagtripan sa may quiapo, may mama na tumabi sa kanya at kinekwento yung kaibigan na nasaksak at kelangan ng tulong. ginawa ng kaibigan ko, dumukot sa bulsa at kinuha lahat ng pera at binigay sa mama at sinabing “eto po lahat ng pera ko, bigyan nyo na lang po sana ako ng pamasahe pauwi.” ayun, ewan kung naawa ba yung mama at sinabing “sige, wag na lang. umuwi ka na.” kaya’t dali-daling sumakay ng kahit na anong jeep itong kaibigan ko.

naalala ko lang, di pa uso ang celphone nuong kolehiyo kami kaya wallet lang ang hinahanap. ahahha!

12. utakmunggo - Agosto 3, 2008

swak rin yung huling linya, wei. parang gusto mong i-wish na sana maranasan rin nilang hindi tulungan sa panahon ng pangangailangan.

“kuya ohhh”. quick thinking sa part ng estudyante. at buti kamo mukhang tigasing goons rin ang mga nakaunipormeng arki. nyehehe

13. peach07 - Agosto 4, 2008

nakaka relate ako sa pag sigaw ng ”aaHHHHhhh” sa sobrang takot ng tutukan ako ng makalawang na kutsilyo. hindi nya nakuha ang 3310 ko. Natakot yata yung magnanakaw nung sumigaw ako, pero ang nakakatawa nito ang hina lang naman nung sigaw ko. hehe. pero salamat sa Diyos walang nangyaring masama sken. yun naman ang importante e.

btw, salamat sa pagdaan sa blog ko. daan na lang ako ulit πŸ™‚

14. lakwatsero - Agosto 4, 2008

haha, makapagpraktis na nga ng pagsigaw, potek paano ba? hahaha! ahehehe, ayan kahit di mo sinabi na pumunta ako ay nakikkisawsaw na ako sa blag mu! ahihihi!

15. pol0106 - Agosto 4, 2008

nakakatawa! binalik yung wallet na walang laman. . haha. . naalala ko tuloy nung napagtripan ako nung h.s. 10 pesos nalang pera ko kinuha nila sabi ko wala po ako pamasahe kaya hati kame sa 10 pesos! haha may sukli pa ako. . hehe. . padaan lang d2 nakakaaliw eh. .

16. naglalambingnacute - Agosto 4, 2008

hahaha… astig yun sigaw ah… ingat lang sa mga tips baka mabuko.. malay mo may holdaper na bumabasa nito πŸ˜€

Pero nakakatuwa sya na nakakalungkot…

nakakatuwa yun mga reaksyon natin pero kung iisipin nakakalungkot din kasi dito sa pinas usong uso yan..
Isipin mo nalang mga holdaper na yan sobrang kakapal ng mukha…
di nalang mag banat ng buto.. tsk tsk!

17. kamotenista - Agosto 4, 2008

wahaha ang galing nito…brilliant ideas!

natatawa ako sa part na ‘to (IBATO ANG CELLPHONE) kasi naalala ko yung pinsan ko na tinapon nya yung selpon pero sinapak siya ng holdaper…..wahahaha

18. Richmond - Agosto 4, 2008

Okay,

1.) I enjoyed this particular post. Hanep natawa ako.

2.) I am glad you are okay.

3.) If the guy has a gun, run i a zigzag motion.

19. Aling Baby - Agosto 4, 2008

ang galing niyang tip na yan ah…sumigaw haha. ayan tuloy nataranta si kuya haha..sana noon ko pa nalaman yang taktik mo para nagamit ko naman. yang area nyo, talamak ang dami ng holdaper dyan. wala yatang nag-aral dyan na indi naholdap eh hehe..

20. wei vines - Agosto 6, 2008

@caryn-minsan hindi na cellphone hinahanap ng mga holdaper..wallet na talaga…
yung sa friend mo.. mabuti na lang may ‘puso’ pa yung holdaper na yun… pano kung wala? taena…
salamat po sa pagdaan πŸ˜€

@utakmunggo- di naman, may naalala lang kasi ako samen na may naholdap, humingi ng tulong pero walang tumulong sa kanya.. hayun… deadz na…estudyante siya samen ate…and yeah.. mabuti daw, malalaking tao yung mga arki.. pano kung hindi diba? take note, hindi sila magkakilala πŸ˜€

21. wei vines - Agosto 6, 2008

@peach07- salamat din po sa pagdaan samen ate.. di naman namin sinabi na magcomment ka eh.. basta napadaan lang ako sa blog nyo πŸ˜†
siguro nakonsensya yung magnanakaw noh? hehehe… o firsttime nya lang..pero mabuti walang nangyari sayo πŸ˜€

@lakwatsero- pakita m sa kanla na takot ka dude.. hehehe… pag nakita ka siguro aastig astig, baka patayin ka na lang diba? hehe..salamat salamat sa pagcoment πŸ˜€

22. wei vines - Agosto 6, 2008

@polo106
hahahaha!! sinuklian ka pa! nyahahaha!! buti naintindihan ka pa nila noh? parang bumurakot lang sila ng pera sayo πŸ˜† salamat po sa pagdaan πŸ˜€

@naglalambingnacute-hayaan mo na sila… at wala muna kong pakelam sa mga holdaper… mas marami kasing gago na gago lang talaga.. na hindi holdaper diba? kaya i think, majority wins. πŸ˜†
salamat po sa pagdaan πŸ˜€

23. wei vines - Agosto 6, 2008

@kamotenista- weh? talaga? my gosh… uminit ulo nung holdaper…waahahahah!! πŸ˜†

@richmond- haha! oo nga noh? pero kung di na kayang tumakbo..hanap ka na lang ng tutulong sayo..kung wala.. uhmm ahh eehh.. sorry na lang.. waaah! salamat sa pagdaan πŸ˜€

@aling baby-ahh nung naholdap kami ng utol ko, nasa quezon ave kami.. sa tagal ko na dito, hindi pako nahoholdap talaga… at di naman ganong talamak dito noh? dumadami lang mga holdaper pag mga june or september… mostly mga freshie tinitira nila… at pano ko nalaman?napansin ko lang.. πŸ˜† salamat po sa pagdaan πŸ˜€

24. iamsamjuan - Agosto 8, 2008

Panalo ang blog na ‘to!

Naalal ako tuloy noong naholdap ako sa may Batasan sa Fairview. icepick at Baril ang itinutok sa akin.

Malaking tulong angmga tips na ibinigay mo sa mga mambabasa mo kabayan!

25. wei vines - Agosto 8, 2008

@iamsamjuan-putek di nga? di makuntento sa baril kaya pati icepick itinutok sayo? ampf…
salamat sa pagdaan..heheh πŸ˜€

26. nuel jose - Agosto 8, 2008

napakagandang advice neto… irerecommend ko sa PNP para ipapress release. haha

27. wei vines - Agosto 10, 2008

hahaha! nuel πŸ˜†

28. onats - Agosto 17, 2008

buti nalang ang mga na-eengkwentro ng mga kakilala ay mga holdaper na hindi pumapaslang…

nakapanlulumo kapag may mga ganyang istorya sa TV…

pero tama ka kailangan nating maging mapagmasid…sino ba naman ang magtutulungan kundi tayo tayo lang…nice post πŸ˜‰

29. wei vines - Agosto 17, 2008

@kamotenista-yeah.. nagulat ako nung may balita na na headshot ata yung babae sa jeep kasi hindi niya binibigay yung bag niya.. the worst part is, no one wanted to help! ampota nila….

30. dave1112 - Agosto 22, 2008

demmit nga! yung vocalist ng isang banda yung biktima, tsk tsk tsk….tarantado nga yung mga tao, nagpahatid pa sa driver sa kanilang destinasyon… T*NGINA NILA! basta makauwi lang/makapunta sa pupuntahan, mga mas ANIMAL pa sila sa mga nangholdap… hayyy..

31. wei vines - Agosto 23, 2008

banda ba yun? anong band? hmmm ma search nga πŸ™‚

32. dave1112 - Agosto 24, 2008

ay nakalimutan ko na eh…tsk tsk…kakaiba din kasi name ng banda… πŸ˜•

33. aKDa - Agosto 28, 2008

huh? nyahahah

34. Alexandria - Nobyembre 25, 2012

Salamat sa pag-upload fellow Cebuano :D. . Pero my gosh! I can’t believe the twists na nilagay nila? sa Pinoy version! JUSTIN CHOSE JESSIE AND JESSIE DOESN’T EVEN KNOW IT! SHE WENT TO LUIGI! Hindi ko alam kung kanino ako mas dapat mabibwisit: Kay Donald o Kay Elaine. OMG I can’t wait for the next! Salamat sa pag upload!….. visit http://goo.gl/HNBgn to watch pinoy tv shows


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: