jump to navigation

Hibernate Hulyo 23, 2009

Posted by akda in Bomba sa Siyudad, Fun fUn fuN.
Tags: , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , ,
8 comments

Salamat kay Wei, para sa huling post na talaga namang binuksan yung childhood memories ko. Hahaha. Pasensya naman sa mga dumadalaw dito, at wala kayong napapalang mabuti dahil nag-hibernate ang mga gagong GAGITOS. Hay, pasensya na talaga.

Alam niyo naman kasi, estudyante din naman kami, at sa mga panahong ganito, nahehectic ang mga estudyanteng naghahabol. Si Wei, graduating na, si Dave, graduating na din ata. Si aKDa, e semi-graduating pa din. Pero alam niyo naman kahit hindi pa ako ggraduate, e talagang nahehectic ako sa pagbaha ng mga napakahabang mga coverage na quizzes.

So, ano bang bago kong pinagkakaabalahan? Alam kong hindi naman kayo interesado sa mga pinaggagagawa ko,  dahil alam kong pumunta lang kayo dito para matawa, o maka-update ng bagong kagaguhan. Pero sasabihin ko pa din kung anong ginagawa ko, pake mo. Bumenta saken ang Facebook ngayon. Heller! Friendster is so dead na. I know na! Ang saya ng NNNN noh?

Anyway, kung san-san na napupunta ang usapang to, gusto ko lang naman itanong sa inyo kung ano sa tingin niyo ang laman ng Facebook, kung may Facebook na nung mga panahon ni Rizal at ng mga rebolusyon ng Katipunan? Hmm.. Ano sa tingin niyo?

Ay alam ko namang kung anu-ano lang naiisip niyo, eto na nga lang oh… Pinakita to saken ng kabigan kong si Caryl. Galing daw sa email ng tita niya. At talaga namang tuwang-tuwa ako. Napakasipag ng kung sinumang gumawa nito. At dahil dyan, bow ako sayo! ^_^ Siguro napakadami mong oras no, parang bored na bored ka ah! Pero galing nakakatuwa talaga.

[CLICK IMAGE FOR A LARGER VIEW]

[Basahin niyo yung mga nakasulat, pati yung mga ads, hahaha!]

O cge. Ano pang hinahantay niyo, comment na! Mag-facebook na din kayo, napagiiwanan na kayo ng tropapeeps ni Rizal! Hahaha.

Si TigiDingdong Mayo 9, 2008

Posted by dave1112 in Annoying Sights, Fun fUn fuN, TV.
Tags: , , , , , , , ,
16 comments

Alien na lang and di kilala yan! Oo siya nga, ang isa sa mga sikat na leading man ngayon sa TV ng Pilipinas. Ayan a, di ko sinabing pinakasikat at baka magalit mga “pans” ni Piolo. Bwahaha..

Minsan isang gabi habang nagre-research ako para sa isa kong subject ngayong summer ay may nakita akong kakaiba. Sa Wikipedia talaga ako nagreresearch. Usual habit ko (na parang bad habit na) e yung habang nagbabasa ako, magki-click ako ng link. Open ko sa new tab. Hayaan ko lang sya dun. Pag tapos na ko sa isa kong binabasa, yung naman isang tab na in-open ko earlier ang gagahasain ko. At sa tab na yun may makikita na naman akong link. Mahina na ang 3 link na makikita ko. Yung mga link, either sa site din na yun or external na. Minsan nga napagtripan ko bilangin kung ilang tab na ang nao-open ko. Ni-try ko bilangin isa isa. Nahilo naman ako, nakakaduling. Kaya ang ginawa ko, nagtangka ako i-close ang Firefox. Edi ayun may pop up na lumabas:

“You are about to close 64 tabs. Are you sure you want to continue?”

Huwaaaat?! Ganon na pala karami naka-open. Ang adik ko talaga hahaha. Kaya hindi na rin ako nagtaka kung bakit ang dalas mag-hang ng browser ko nun. 64 tabs ba naman ang naka-open. Hahaha. So tuloy ang pagbabasa. Nung malapit na maubos ang pulutong ng mga tabs may site dun naka-open. Celebrity profiles ng mga pinoy ta-artits. Binulatlat ko naman. Wala ako maisip na hahanapin kaya yung nasa featured na lang pinakialaman ko:

Profile ni Angel Locsin, Marian Rivera, at ang nag iisang lalake, si Dingdong Dantes.

At as usual, 3 tabs na naman ang na-open. Basa lang ako ng konti, tapos lipat na klo sa iba. At ayun na nga, ang profile ni Sergioooooo. 😆 uy may picture. Tang*na! Napamura ako sa nakita.

(Click mo yung pic sa baba.)

At ngayong na-click mo na, anong masasabi mo? Di ko pa rin alam hanggang sa ngayon kung ano nasinghot ng nag-upload ng picture na yan. Akala ko nga parte ng Google AdSense. Sana nga parte na lang ng AdSense, pero hindi e, sa profile talaga ni “dingdong” yun. Audition ba to sa Dyesebel? Naku po! Late na. Sige sa susunod na Filipino TV remake ng GMA ng “The Beauty and the….Beanstalk” 😛

P.S. Sa mga nabagabag na kaluluwa (pasensya na po) na gustong malaman ang site, pakitingnan na lang po ang picture ulit. Nandun ang address. Sige para sa mga tamad at mga hindi pa maka-get-over sa mga pangyayari, eto na. At bago ko nga po pala i-post to, bumalik uli ako sa site na yun. Sa kasamaang palad po, si Dingdong na talaga ang naka-front na picture dun. At nabago na rin po ng konti ang site. Browse na lang po kayo sa Photo Gallery, nandun pa rin po ang “suspek.” 😆 😛