jump to navigation

Hibernate Hulyo 23, 2009

Posted by akda in Bomba sa Siyudad, Fun fUn fuN.
Tags: , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , ,
8 comments

Salamat kay Wei, para sa huling post na talaga namang binuksan yung childhood memories ko. Hahaha. Pasensya naman sa mga dumadalaw dito, at wala kayong napapalang mabuti dahil nag-hibernate ang mga gagong GAGITOS. Hay, pasensya na talaga.

Alam niyo naman kasi, estudyante din naman kami, at sa mga panahong ganito, nahehectic ang mga estudyanteng naghahabol. Si Wei, graduating na, si Dave, graduating na din ata. Si aKDa, e semi-graduating pa din. Pero alam niyo naman kahit hindi pa ako ggraduate, e talagang nahehectic ako sa pagbaha ng mga napakahabang mga coverage na quizzes.

So, ano bang bago kong pinagkakaabalahan? Alam kong hindi naman kayo interesado sa mga pinaggagagawa ko,  dahil alam kong pumunta lang kayo dito para matawa, o maka-update ng bagong kagaguhan. Pero sasabihin ko pa din kung anong ginagawa ko, pake mo. Bumenta saken ang Facebook ngayon. Heller! Friendster is so dead na. I know na! Ang saya ng NNNN noh?

Anyway, kung san-san na napupunta ang usapang to, gusto ko lang naman itanong sa inyo kung ano sa tingin niyo ang laman ng Facebook, kung may Facebook na nung mga panahon ni Rizal at ng mga rebolusyon ng Katipunan? Hmm.. Ano sa tingin niyo?

Ay alam ko namang kung anu-ano lang naiisip niyo, eto na nga lang oh… Pinakita to saken ng kabigan kong si Caryl. Galing daw sa email ng tita niya. At talaga namang tuwang-tuwa ako. Napakasipag ng kung sinumang gumawa nito. At dahil dyan, bow ako sayo! ^_^ Siguro napakadami mong oras no, parang bored na bored ka ah! Pero galing nakakatuwa talaga.

[CLICK IMAGE FOR A LARGER VIEW]

[Basahin niyo yung mga nakasulat, pati yung mga ads, hahaha!]

O cge. Ano pang hinahantay niyo, comment na! Mag-facebook na din kayo, napagiiwanan na kayo ng tropapeeps ni Rizal! Hahaha.