jump to navigation

Si TigiDingdong Mayo 9, 2008

Posted by dave1112 in Annoying Sights, Fun fUn fuN, TV.
Tags: , , , , , , , ,
trackback

Alien na lang and di kilala yan! Oo siya nga, ang isa sa mga sikat na leading man ngayon sa TV ng Pilipinas. Ayan a, di ko sinabing pinakasikat at baka magalit mga “pans” ni Piolo. Bwahaha..

Minsan isang gabi habang nagre-research ako para sa isa kong subject ngayong summer ay may nakita akong kakaiba. Sa Wikipedia talaga ako nagreresearch. Usual habit ko (na parang bad habit na) e yung habang nagbabasa ako, magki-click ako ng link. Open ko sa new tab. Hayaan ko lang sya dun. Pag tapos na ko sa isa kong binabasa, yung naman isang tab na in-open ko earlier ang gagahasain ko. At sa tab na yun may makikita na naman akong link. Mahina na ang 3 link na makikita ko. Yung mga link, either sa site din na yun or external na. Minsan nga napagtripan ko bilangin kung ilang tab na ang nao-open ko. Ni-try ko bilangin isa isa. Nahilo naman ako, nakakaduling. Kaya ang ginawa ko, nagtangka ako i-close ang Firefox. Edi ayun may pop up na lumabas:

“You are about to close 64 tabs. Are you sure you want to continue?”

Huwaaaat?! Ganon na pala karami naka-open. Ang adik ko talaga hahaha. Kaya hindi na rin ako nagtaka kung bakit ang dalas mag-hang ng browser ko nun. 64 tabs ba naman ang naka-open. Hahaha. So tuloy ang pagbabasa. Nung malapit na maubos ang pulutong ng mga tabs may site dun naka-open. Celebrity profiles ng mga pinoy ta-artits. Binulatlat ko naman. Wala ako maisip na hahanapin kaya yung nasa featured na lang pinakialaman ko:

Profile ni Angel Locsin, Marian Rivera, at ang nag iisang lalake, si Dingdong Dantes.

At as usual, 3 tabs na naman ang na-open. Basa lang ako ng konti, tapos lipat na klo sa iba. At ayun na nga, ang profile ni Sergioooooo. 😆 uy may picture. Tang*na! Napamura ako sa nakita.

(Click mo yung pic sa baba.)

At ngayong na-click mo na, anong masasabi mo? Di ko pa rin alam hanggang sa ngayon kung ano nasinghot ng nag-upload ng picture na yan. Akala ko nga parte ng Google AdSense. Sana nga parte na lang ng AdSense, pero hindi e, sa profile talaga ni “dingdong” yun. Audition ba to sa Dyesebel? Naku po! Late na. Sige sa susunod na Filipino TV remake ng GMA ng “The Beauty and the….Beanstalk” 😛

P.S. Sa mga nabagabag na kaluluwa (pasensya na po) na gustong malaman ang site, pakitingnan na lang po ang picture ulit. Nandun ang address. Sige para sa mga tamad at mga hindi pa maka-get-over sa mga pangyayari, eto na. At bago ko nga po pala i-post to, bumalik uli ako sa site na yun. Sa kasamaang palad po, si Dingdong na talaga ang naka-front na picture dun. At nabago na rin po ng konti ang site. Browse na lang po kayo sa Photo Gallery, nandun pa rin po ang “suspek.” 😆 😛

Advertisements

Mga Puna»

1. wei vines - Mayo 9, 2008

hahahaha!!! at talagang binalikan mo pa! wahahaha~ taena nung una kong nakita yung pic nahilo ako eh… 0_o

2. dave1112 - Mayo 9, 2008

nyahaha…talagang babalikan ko e, mahirap na baka nga part lang sya ng AdSense..
oo nga pala, halata ko yun e, parang na-praning ka lalo. 😀

3. aKDa - Mayo 9, 2008

haha! eto yung pinakita mo saken. HORROR naman kasi talaga! hahaha!

4. dave1112 - Mayo 9, 2008

anu ba akda? konting belo lang to pde nang leading man.. nyahaha 😆

5. aKDa - Mayo 10, 2008

@dave : DUDE!! nasisiraan ka na ba ng baet? nyeta, gaano kakapal na belo ang ipapantapal, este, ipapasak mo jan?

6. dave1112 - Mayo 10, 2008

edi literal na belo na lang ilagay naten… 😀

7. wei vines - Mayo 11, 2008

masilya,pako at pintura kailangan dyan (pader siya)

8. dave1112 - Mayo 11, 2008

parang hindi pader ang bubuuin mo ah, parang ataol 😆

9. Ahkong - Mayo 11, 2008

hi pipol….

napadaan lang po…

hindi kaya, nagkasakit si tigi-dingdong ng malaria, tapos, na tipus, tapos eh, TB…tapos, baka may STD pa… kaya naging ganyan itsura.
LOLs…

saya dito, lagi akong mapapadaan dito.

maraming salamat sa inyo, nakakawala kayo ng lungkot dito sa gitnang silangan, more power (hindi kili-kili power ha.)

10. dave1112 - Mayo 12, 2008

ang gross naman ng pinagdaaanan nya..sabagay ang gross din naman ng kinalabasan… 😆

salamat ahkong sa pagdaaan… 😀 salamat sa power…bwahahaha..

11. linglingbells - Mayo 13, 2008

wahahaahaha! si tigidingdong nga siya!!! :LOL:

12. dave1112 - Mayo 14, 2008

😆 ling..

yahh tigidig!

13. wei vines - Mayo 14, 2008

hello ahkong..hehehe..salamat sa pagdaan..medyo late mag reply eh noh???bwahahaha!!

di naman masamang mangarap (quoting tigids)

14. dave1112 - Mayo 16, 2008

yeah it’s libre… 😆

15. aKDa - Mayo 17, 2008

@ahkong : haha, o kitams, late nga kami magreply, este, ako pala ang pinakalate mag-reply. salamat sa gagawin mong pagdaan pa dito.

@dave & trerri : sorry, wala pa ung post ko, tae, napagiiwanan na talaga ako dito.

16. dave1112 - Mayo 18, 2008

naku naku..finals na ha..asikasuhin mo na.. 😀


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: