jump to navigation

Make a scene! Make a sin! Make a scene! Abril 22, 2008

Posted by wei vines in Bomba sa Siyudad.
Tags: , , , , , , , ,
trackback

Wala namang saksakang naganap, Basta lang nakakapukaw sila ng atensyon ng iba (in short: papansin) o hindi lang talaga sinasadya na sila ang nasa spotlight nung mga araw na yun.

Sakay ako ng aircon bus papuntang SM perbyu nang biglang may ‘nagsisigawan’ sa likod.

Pasahero: Kulang pa to ng ng limang piso ah!

Kundoktor: Eh ganyan na po talaga yung pamasahe noon pa.

Pasahero: estudyante lang ako oh! (at pinakita pa ata ang id)

Kundoktor: Discounted na nga yan eh!

Pasahero: discounted? eh kulang pa nga ng limang piso?

…At dun na nagsimula ang away. Di na pinansin ni mamang kundoktor ang pasahero. Syempre, wala sa kanya ang kawalan. Maya maya, narinig ko na lang uli yung pasahero na bumabanat; nagsusumbong sa erpat niya.

Pasahero: Hayy nako. Limangpiso nga nawala saken eh, kulang na pamasahe ko.

Pasahero: Pa, dapat sa mga ganito hinuhuli eh. Magkano lang ba sa philcoa?

Kasama ng pasahero: tama na…

Pasahero: Haha! dapat sinsumbong to sa erpat ko eh. Pulis yun!

Ahhh ganoWn?! pulis? dapat sinasampal to ng limangpiso eh. Gamitin ba naman propesyon ng erpat niya? Manggagamit ampf. Napakasimpleng bagay lang, kailangan pa dapat palakihin? Pagbaba nila ng Philcoa, tinignan ko yung tatlo, tsaka yung ‘nagmamagaling na may erpat na pulis’. Halatang ka edad ko lang, at halatang badtrip sa na-lost niyang limangpiso. Kung sabagay, pambili din yun ng yosi.

Sa esem perbyu, syempre, dahil naghihintay ako sa kausap ko, wala naman akong ginawa kung di maglakad. May nakasalubong akong babae na naka miniskirt at naka tube. Halatang mabigat siya maglakad. Tumatalbog ba naman?! Napatingin lang ako, kaya nagulat ako nung umarko na yung kaliwang kilay niya saken na parang nagsasabi na: ‘ano tinitingin tingin mo dyan?!’

Napa-second look tuloy ako na parang sinasabi ko na: ‘problema mo??!!’

Pag uwi naman, nagulat ako nung may nakaharang sa dinaraanan. Isang couple ang nagaaway sa gitna ng kalye. Man, pwede naman siguro tumabi tabi para di perwisyo sa mga dumadaan diba? Agaw eksena pa yung hagulgol nung babae. Paawa epek ba yun? oh para lalong maagrabyado yung lalake kasi nga, napapansin sila ng mga dumadaan. Ang panget miss. Di ka cute.

Speaking of agaw eksena. Hindi ko makalimutan nung grade 6 ako, habang nakatingin lang sa labas ng pinto, may isang college student ang tumatakbo para habulin ung isang tricycle driver. Umiiyak siya habang humahabol with matching words na: ‘gagooo kaaaa!!! gago kaaa!!!!’ habang tawa ng tawa yung driver na yun.

Nalaman ko na lang, hinahabol niya pala yung driver dahil nabuntis siya. Mga ganung epek. Awa? Ewan.

Advertisements

Mga Puna»

1. wei vines - Abril 22, 2008

The other side of story posted here:
http://wvines.wordpress.com/2008/04/20/im-wei-ting/

2. dave1112 - Abril 23, 2008

haha taena, pamatay yung pic…pampatay rather..haha.. πŸ˜†

dude kung may alamat ang limang piso, ang piso din di mawawalan..may nag-away na rin dahil sa piso tulad nga ng naikwento ko sa yo..kaya next time di na rin ako magtataka kung pati benchingko pag-awayan..mwahaha..

3. wei vines - Abril 23, 2008

wahahaha!!! oo nga, namatay yung ratings naten…bwahahah! (may ganun?)..at tulad nga ng sabi ko, dapat binibigyan na sila ng piso, para matameme…hahaha!

4. wei vines - Abril 23, 2008

OT: wala na yung blog ni trishie.. ewan ko kung ano nangyari..check mo πŸ˜€

5. angel - Abril 23, 2008

argh! tumatalbog! πŸ˜†

6. wei vines - Abril 24, 2008

haha! yeah! kaya napansin ko.. kaya napatingin ako..kaya napatingin siya ng masama.. at …

salamat nga pala sa pagdaan angel πŸ˜€

7. kulot - Abril 24, 2008

inang pasahero yan ok na sana e, sya na ang kinakaawaan ko e, kaso biglang ganun gamitin ang tatay, mukha nya xlink naman po tayo

8. linglingbells - Abril 24, 2008

natawa ako dun sa hinahabol yung tricycle driver! hahaha!

9. wei vines - Abril 24, 2008

@kulot- oo nga eh..oka na sana.. pero hayun nga, nakakainis na nakakarindi yung narinig kong ppagtawag nya sa erpats nya..salamat sa pagdaan… i’ll link you up ^^

@lingling- ayy oo! natatawa ako nun! pero nung narinig ko yung kwento.. ganito na lang yung muka ko >> 😐

10. koreanmine - Abril 25, 2008

minsan talaga daming pampams sa mundo.. pag kinakapos ka ng pampams, sabihin u lng saken, samen ang dami! πŸ˜€

11. aKDa - Abril 25, 2008

bigla akong natawa sa picture. amfufu.

eniway, naalala mo tsong nung papunta tayong ortigas? ung isang parang ganyan din ung pinuputok ng butse nia, kase, sabado, wala daw discount sabi nung kundoktor, tas pinagpilitang may discount. nyahahaha.

pero ang masasabi ko lang sa kanya… TANGINA MO! WALA KANG KARAPATANG MAGYABANG KAHIT PA SI WINNIE-THE-POOH YUNG TATAY MO. TATAY MO YUN, DI IKAW. MAHIYA KA NAMAN, WALA KA BANG KONTING RESPETO SA SARILI MO, PARA ISIPIN, NA KUNG ANO MAN YUNG POSISYON NG TATAY MO, HE EARNED IT. SUCKER!

whew..

thank you.. ^_^

12. dave1112 - Abril 25, 2008

ahh ehh…silence in the court… πŸ˜†

13. Geisha - Abril 28, 2008

pootah limang piso? i-risk nya pagiging pulis ng tatay nya! mangmang sya! hampaslupa! πŸ˜†

naloka ako sa humahabol sa driver.. pano mo nalamang buntis sya? hmmmmmmmm

14. buffalo soldier kadeteng kalabaw - Abril 28, 2008

sayang naman..dapat ako nakakita ng mga nakita mo para naging masaya araw ko..hehehe

15. rio - Abril 29, 2008

salamat sa pag daan sa blog ko=)
para limang piso lang.hehe…
si manong konduktor din kasi e..minsan may mga konduktor din na magugulang…
lagi ka rin ba sa sm fairview? lagi ako dun e..hehe

16. wei vines - Mayo 3, 2008

@ geisha-hmm na tsismis ng nanay ko eh

@buff soulja- hahahah!!! labas ka kasi lungga mo

@rio-hehe…di naman lagi (weh?) hahaha! salamat sa pagdaan =)

17. pEyt - Mayo 3, 2008

padaan! padaan! padaan ako dito…hehehe
ahaha…parang ayoko magcomment ah…patatlo ko na to..woooohhhooooo – apir-

18. dave1112 - Mayo 3, 2008

haha cge lang…para may iba naman tumao dito.. πŸ˜€

19. pEyt - Mayo 3, 2008

ahahah…nageenjoy naman c ako d2:D

20. aKDa - Mayo 3, 2008

hehehe. damihan mo pa, okay lang. ^_^

21. dave1112 - Mayo 4, 2008

haha..kampanya ba?

22. aKDa - Mayo 4, 2008

hahahaha. ^_^ pwede rin.

23. dakilang islander - Mayo 4, 2008

wei blog mo rin pala ‘to? paki update yung link ko…

24. wei vines - Mayo 4, 2008

yep…blog ko rin to..okay.. update ko ^^

25. pb - Mayo 5, 2008

nyahahahah.. taena nung driver. tumatawa amp.
yung sa bus naman.. relax lang. malaking bagay ang limang piso.. (hindi dahil sa yosi dahil nag yoyosi ako ah) pero yung point na naka budget siguro sya.
minsan ganyan din ako….
kulang naman ako ng piso… medyo badtrip lalo na pag wala akong kasama. hindi ko alam kung lalakarin ko ba o bababa ako sa bahay namin at dun ko na babayaran. actually kapag nakakita ako ng binchingko eh pinupulot ko. kahit pako(nail) o perdible pinupulot ko rin. ang mali lang dun sa pasahero eh ang init ng ulo nya… hmmm… baka kulang sa romansa yun. haha. hindi ka naman siguro nag papaapekto no. haha. dapat binigyan mo nlang ng lima. haha! yeah!

26. pb - Mayo 5, 2008

haha. malaking bagay talaga sa iba ang limang piso. sakin nga piso pa eh.. at kapag nakakita ako ng 25 cents, pinupulot ko, pati perdible at pako. hindi dahil sa nagyoyosi din ako pero misan tulong din un eh. hihi, o kaya naka budget ang pera nya,, ako din naka budget.. ang mali lang eh masyado syang mainit. dapat tamang salita ke manong. haha. nadadaan sa magandang usapan ang lahat. haha.
yung sa driver naman eh taena… ang gago lang. haha. ayus yun ah. nag papa boundery pa naman kami ng trik. haha.
ung sa nag-aaway na mag shuta eh may mga ganun talaga. ang saya nilang panoorin. live teleserye ang dating. haha.
hindi ka naman siguro nag papaapekto sa mga napansin mo diba? hihi. weee.. keep on posting.

27. Abad - Mayo 6, 2008

ilang beses na rin akong may nakasabay na makikipagpatayan sa limang piso, minsan kahit mas maliit pa sa lima. either mahirap na talaga ang buhay o may mga tao lang na nageenjoy makipagargumento sa konduktor.

salamat sa pagdaan sa site.

28. wei vines - Mayo 9, 2008

@ pb- haha! oo nga, parang show lang pero wala sa tv…asteg noh?salamat sa pagdaan..at pag comment πŸ˜€

@abad-salamat din sa pagdaan sa site… ganun nga lang siguro… either you want that money or nagpapansin lang talaga ^^


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: