jump to navigation

Desperadong Multo Abril 19, 2008

Posted by dave1112 in Annoying Sights.
Tags: , , , , , , , , , , , , ,
trackback
Matagal ko na sana nai-post to pero nung hinanap ko yung isa sa mga “tauhan” ay di ko na tinuloy. Di ko kasi makita. Pero this time may nagkaroon na ako ng kasipagan na i-post. “Ngaparamdam'” ulit e. Bakit nga ba ganyan ang title? Wag mag-alala di ito tungkol sa mga literal na multo, at wala akong balak tapatan ang TPGS.

Ang post na ito ang tungkol sa mga tao, nilalang, “multo,” and whatever you call them na bigla-bigla na lang nagte-text sa cellphone mo. Tama. Sila ang mga desperado na manggagambala sa iyo habang ikaw ay nananahimik at nagre-relax. Ang mga modus o kabaliwan na ginagawa ay magro-wrong send kuno para makakuha ng textmates, magse-send ng “cno ka?” (pero di mo naman tine-text) and the like, and the worst is manghihingi ng load.

Nakakatamad ang araw. Wala din sa isip ko na mag-post. Nabwisit din kasi ako kay Prenster dahil di ko makita yung mga pic na pinost ng kaklase ko. Mga pic nung nag-swimming kami last Saturday. Kaso nga 2 days na “ayaw magpakita ng mga pictures.” Nahiga na lang ako. Hinawakan yung cellphone at nag-browse, nung maka-connect: “Battery Empty. Please Recharge” sabay bulagta (ng phone).

Dahil sa tinatamad ako, itinulog ko na lang. After 4 or 5 hours na tulog (yea hapon yan, narcoleptic nga yata ako), nagising ako at ni-charge ko na tong phone. Maya maya tumunog. May nagtext. So binuksan ko, akala ko kung sinong kilala ko. Pero nung buksan ko, napakunot (na naman) ang noo ko. Ang sabi sa text:

“d2 ka reply or call nalang send ka load 150pesos importante sasabihen ko sayo last txt na e2,”

From: +63927 853 118nine (ginawa kong word yung last digit for a reason)
Date: 19/04/2008
Time: 16:59

Napamura na naman ako sa isip. At considering na kagigising ko lang mas matindi ang pagkamuhi ko sa nag-text. Di ko na ni-reply. Wala akong load. Madalang ako mag-load. Yang ganyan nga dapat ang sana ay nai-post ko noon pa. Pero dahil nga di ko makita yung ibang “tauhan” = messages na ganyan ay tinamad na ko.

Halos ganyan din ang message na natanggap ko noon. Halos magkamukha ng format. Pero yung dati di gaano kakapalan ang mukha. 5 pesos lang ang hinihingi ng gago. Di tulad nito garapalan, P150. Shit!

Yung dating nag-text sakin ng ganyan ay halos magkamukha ang number. 0915 569 xxxx yung simula, tapos yung last 4 digits lang nagkatalo. Pero sa pagkakatanda ko yung last 2 digits lang yung nabago sa kanila. Yung una, dun sa old number ko nag-text, e di okay lang. Sabi ko na lang baka “wrong sender na nangti-trip.” Kaya deadma muna. Yung pangalawa, sa new number ko nag-send. Nagtaka ako, considering na bago ang number ko pero may nag-send sa akin. Mga a day after dumating sakin yung text na katulad na katulad nung dating text message sa old number ko. Since naka-store sa phone memory yung mga messages ko pati yung sa old number ko, ayun nga, napansin ko, halos magkamukha ang number ng mga hinayupak. Nireply ko ng “cno ka?!” yung nag-text pero di sumagot.E di ayun, move on!

At lumipas nga ang ilang araw dumating ang text na nasa taas which prompted me to do a post regarding those sick messages. Nabu-bwisit lang ako sa mga style ng mga siraulong tao na yan. Aware na lahat ng tao sa mga ganyan, yet they still send those freaking messages just to catch attention (and earn annoyance). At ganito na ba kahirap ang mga desperadong ito para lang makakuha ng load. Taragis pala nila! Aba’y magbanat sila ng buto para magka-load, or better yet stop from using cellphone if you don’t have bucks to reload yung phones. Or mas mabuti gawin na lang nila na alarm clock mga cellphone nila, peste!!!!

Sa panahon ngayon, sino pa ba maloloko nila? Mga “PATHETIC GAGO” din na katulad nila?! Napagkababa ng mga moral, pag-iisip, pag-unawa, at kung ano pa ng mga tao na yan. Siguro kahit duraan mo ng mga mura di pa rin magtitino. Whew!

Bago nga pala dumating yung message na nasa taas sa kin ay may natanggap pa ako na isang text message ng isang nababagabag na kaluluwa. Iba ang tema nya kesa sa mga nabanggit sa taas. Eto yung message na umabot yata ng 3 pages:

“hi there! How’s yur day foh? Jst wnt to let you know i’m with francis ryt now, finally, suma2 na foh siya sa min ngaeon thanks foh pinayagan moh foh siya, maraming thank’s foh, have a nicey day!”

From: +63915 602 988four (ginawa kong word yung last digit for a reason)
Date: 12/02/2008
Time: 17:51

Nung matanggap ko ang message halata ko naman agad na wrong send. Yun nga lang it left me looking like this >> and one thought is running to my head that time: “anong trip na ‘to?”

Pero sa kasamaang palad palagi yata tinetyempo na wala akong load. Mga sira talaga. Pero nung minsan na nag-load ako at nag-unli (at dahil nasasayang lang, e di sinulit ko). Tinadtad ko sya ng “cno ka?” with matching forward ng tinext nya. Pero tinatanong kung sino daw ako. Malaki talaga topak. Dapat nga ako nagtatanong kung sino siya. Oo na. Wrong send na kung wrong send. Halata naman e. Pero pwede ba, bago natin ikwento ang buhay natin sa text e isipin muna ng maraming beses kung kanino natin ise-send. Nagmumukha tuloy tayong ignorante at kulang sa atensyon. Kung ako man magse-send nga ganun, titingnan ko muna ng maigi kung kanino ko talaga ise-send. E paano na lang kung password mo at kung ano mang mahalaga pang bagay ang na-send mo, laking tuwa lang ng makaka-receive.

Pero sa ngayon di ko lang talaga alam kung sinadya nila yung para makakuha ng magiging “textmate” or sadyang tanga lang!

Sya nga pala nilagay ko yung mga number nila kasama yung mga date at time kung kailan nila tinext ang mga yan. Ako ay nananawagan na kung maaari lang ay tadtarin nyo ng message yan at kung ano ano pang nakakainis na bagay para naman malaman nila kung ano ang pakiramdam ng napapadalan ng mga ganyang mensahe, LALO NA PO YUNG NANGHIHINGI NG LOAD. (Mga loko kasi kayo, hahanap kayo ng gagaguhin/aabalahin/iistorbohin, ako pa!) Good luck na lang sa buhay nyo!

Advertisements

Mga Puna»

1. linglingbells - Abril 20, 2008

nagulat ako kasi naka-receive ako kanina ng message na ganito:

“d2 ka reply or call nalang send ka load 150pesos importante sasabihen ko sayo last txt na e2,”

parehong-pareho! galing ang message na yan kay +639165697218

sinave ko yung message kasi akala ko para sa kuya ko yun, nakitext kasi kanina yung kuya ko sakin..

buti na lang, nabasa ko to.. thanks!

gago tong nagtext ah!

2. dave1112 - Abril 20, 2008

ayos ling, pag may nagpapasend ng load, mabahala ka na.. hayaan mo gagawa kami (kung di man kami — ako) ng “oplan” para bulabugin din yang mga ‘tarantacious’ na gago na yan.. it’s either iforward sa kanila ang mga text nila at tadtarin ng kung ano ano ring nonsense na bagay or makipag-coordinate na sa nakatataas…tsk tsk tsk..

3. wei vines - Abril 21, 2008

hahaha! may nag send nga saken nyan, ganyan ding number. Sabi ko:

ULol!

ayon.. bot ba yan?hahah

4. dave1112 - Abril 21, 2008

wei sumagi na rin sa isip ko yan…magkakamukha nga mga sinasabi nila…pero naman, utang na loob, pati ba naman sa selpon may bot??!!!

5. wei vines - Abril 21, 2008

malay mo dave… hahahah!!

6. dave1112 - Abril 21, 2008

yea dude…cguro in my worst nightmare… πŸ˜†

7. aKDa - Abril 25, 2008

hmmm….di kaya……. hmmmmm… may SPAM na din sa cellphone?? nyahahaha.

8. dave1112 - Abril 25, 2008

BOT na dude.. nagkalat talaga..awo0o0o..

9. aKDa - Abril 25, 2008

ay sori naman, tanga sa mga terms eh. ha!?

10. dave1112 - Abril 25, 2008

haha dude ayos lang yan! pinsan kita! lusot ka…. πŸ˜†

11. aKDa - Abril 26, 2008

nyemas. may lulusot pang ganon sa katangahan kong yon. wahahaha! oi, inaatake nga din pala ako ng ganyan, pero tyempo, lagi akong walang load. buti naman. wahahaa!

12. dave1112 - Abril 26, 2008

same naman sakin, wala ako load..at yun nga ang nakakaasar….di ko matadtad ampota…wooo~!

13. pEyt - Mayo 3, 2008

hindi pala ako nagiisa…nakarcv din ako ng ganyan pati mommy ko…lakas trip!!!

14. beero - Mayo 6, 2008

nakakainis talaga makatanggap ng messages na ganyan. nakatanggap din ako ng ganyang message recently. maghingi ba naman ng load sa kin. huh? yung mga kilala ko ngang nagso-“solicit” ng load di ko binibigyan, sya pa kaya. hehe

15. aKDa - Mayo 8, 2008

ay tae, akala ko pa naman, ligtas ako dito… pero… nung isang gabi lang, pinutakte ako nung lintek na nanlilimos ng sandaan limampung pisong load. hayop!

16. dave1112 - Mayo 8, 2008

@beero – tangena talaga ng mga yan…grr! dapat talaga jan tinatadtad ng text…ang balak ko nga e, ipost nyo dito yung # tapos ipatatadtad natin sa mga bawat taong makakabasa nito..p*tngina talaga nila…pasensya na po nadala ako masyado..nyahaha.. *peace to all* πŸ˜€

17. dave1112 - Mayo 8, 2008

@akda, e ano kaya kung ipatadtad natin sila sa mga nagagawi dito.

%**%*(&*(()^ nila!!! grr!

18. aKDa - Mayo 9, 2008

@dave – uy, hinay-hinay lang! hahaha… sayang sa oras, sa load.. at sa talento naten. nyahahaha!

19. dave1112 - Mayo 9, 2008

nyahaha..edi umupa..bwahahaha..

20. aKDa - Mayo 10, 2008

@dave : ano sia artista? sasayangan mo pa ng pampaupa? haha..

21. dave1112 - Mayo 10, 2008

mababa lang talaga kaligayahan ko e, at isa sa mga iyon ay pumatol sa mga ganyan..ginulo nila ko, guguluhin ko rin sila, magkasawaan na…oo mababa na rin ako… πŸ˜†

22. aKDa - Mayo 10, 2008

@dave : o cge na. di na ako kokontra, bahala ka sa buhay mo. haha!

23. dave1112 - Mayo 11, 2008

im quite hysterical kanina… πŸ˜†

24. wei vines - Mayo 11, 2008

hahahahah!!! mababa na kung mababa!! tangkena! haha! prosti dating mo tsong! =P

25. dave1112 - Mayo 11, 2008

tae! gawin ba kong kalapati…nyahahaha..

26. aKDa - Mayo 17, 2008

haha! andugyot kung magiging prosti si dave! nyahaha!

27. dave1112 - Mayo 18, 2008

dugyot ka jan..si roger pala may danggit para sayo.. πŸ˜€

28. janice - Agosto 5, 2008

Looking for textmate… my number is 09283621744.

naj

29. janice - Agosto 6, 2008

u can also reach me at 09066728969.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: