jump to navigation

Profile Views (The Bulletin Board Scandal) Abril 4, 2008

Posted by dave1112 in Annoying Sights, Fun fUn fuN.
Tags: , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , ,
trackback

Simula nung makilala ko si Multiply at WordPress ay madalang na lang ako pumunta sa Presnster. Nalaman ko kasi na di lang naman ang prenster ang lugar sa mundo ng internet. Ayun nga may wordpress, multiply, site ng mga online quizzes (sa school), porn sites, at mga movie review sites tulad ng IMDB.

Maganda din naman yung prenster. Nahahanap mo mga long lost mong kaibigan, kabayo, aso, tuta. Maganda siya, nung una. Lumipas ang mga panahon parang unti-unti na ting nawala ang interes ko sa prenster. Sa panahanon ngayon, mas madami pa yung mga feeler, posero, tae, ambisyoso’t ambisyosa, at kung sinu-sino pang disipulo ni “Epal.” Dumami na rinang mga bots dun. Oo, mga bots. Yung may mga nagvi-view ng profile mo tapos pagpinuntahan mo nakalagay dun yung isang malaking picture sa “About Me” section tapos nakalagay na caption e “I don’t use Friendster anymore. You can visit my new page…” basta something like that tapos nakalink both yung photo at caption sa ibang social networking site. Ang natandaan ko na isa e yung “Perfspot.” Oo, lintik yun. Ewan ko ba kung ano ang gusto ng Perfspot. Pero isa na siguro dun pantayan yung prenster. Pero kung ang intensyon nila ay maganda, di ko naman gusto ang kanilang online campaign. Yung gagawa sila ng mga bots para lang mag-link sa site nila. At ang masama pa e gagamit sila ng mga sites tulad ng Prenster. At sya nga pala, kadalasan (or lahat yata) babae yung nasa photo. Pangit e. Para lang sila nagbebenta ng babae. Kahit sabihin nila na di sila porn site, nagmumukha kasi babae ang pinangpo-front nila. Di bagay. Pag may nag-view inyo ng ganon ang gawin nyo click nyo lang yung “Report Offensive Content,” yun yung nasa pinaka-ilalim kasama nila “About Us,” “Privacy Policy,” atbp. Pamimiliin kayo dun kung bakit sya offensive i-check nyo lang yung “Person is sending spam.” For sure after mga ilang days deleted na yung account na yun. Taena nila. KAIRITA e!

Sya nga pala ano na lang ang ginagawa ko sa prenster kung medyo nawalan na ko ng gana?

Mga updates lang sa mga naka-add na sakin.Birthdays, kamatayan, or kung anu-ano pa. Check din minsan ng comments pero di na tulad ng para kang sumakay sa Tralala pag may comment ka. Sa ngayon normal happenings na lang sila. Nagpupunta din ako para makibalita sa mga kaklase at kaibigan ko na di naaabot ng cellsites (pero may internet connection). Parang tulad ko rin, mahirap makontak sa cellphone (tamad na kong magload bukod sa wala ng pang-load). At lastly kung bakit ako napupunta pa sa prenster e para maghanap ng mga nag-epal at nag-eepal sa bulletin board, lalo na kung bagot na bagot ako sa buhay. Walang magawa. Kaya wag masyadong mag-epal, baka ma-timing tayo sa kabagutan ng mga tae tulad ko at mapagtripan bwahaha…

At dahil sa pag-eepal sa bulletin board ang pag-uusapan, may ise-share ako. Marami na rin ako na nakitang nag-epal sa board, yung iba pag talagang malala na, binubura ko na sa list ko. Baka kasi lalong mairita ako e pagtripan ko lalo. Pero isan araw ng mag-check ako ng mga epalogz e may nakakuha ng atensyon ko. Tamang-tama kasisimula ng month (April). May nagpost ang title “…Who’s Viewed Me??” E ako naman bilang isang curious na nilalang (at dahil na rin halos hinahalungkat ko yung mga recent posts), e pinuntahan ko. Ayun at nabasa ko nagmamalaki sya. Tama, the title said it. Tugkol nga sa mga nag-view sa kanya edi okay lang. Pero what really annoyed me e yung nakalgay na bilang ng nag-view sa profile nya:

1154

Abay taena palaiba to, sikat yata to. Artista! Model! Hollywood! Pero gagu nya napuntahan ko na minsan profile nya minsang in-add nya ko. Oo sya nag-add sakin nun. Ako naman tong si ‘approve’. Pero nun pa yun, ngayon kilala ko na si ‘reject’ button lalo na pag di ko naman talaga kilala yung tao. Nagbura na rin pala ko ng iba sa list ko dati nga 700+ na sila pero ngayon 499 na lang natira. Ang dami palang surot sa account ko dun hahaha. So ayun na nga, Madami daw nag-view pwero di naman sya sikat. Isa rin naman syang low class na taeng tenant sa Friendster tulad ko. So bakit ganon karami ang nag-view. Sige hayaan, marami daw (according sa kanya), kahit na mukha syang kasapi sa “Ambut sa EMO Clan” (samahan ng mga EMO dahil uso ngayon). Speaking of EMO wala akong galit sa kanila. Okay naman sila. Naaasar lang ako dun sa mga nag-EMO dahil uso ngayon, yung tipong kewl, hip, cool, rock. Yung mga ganun ba. Yung mga EMO na talaga dati before pa nauso e sa inyo ko.smile And to sum it all, I have nothing against emoS. Pasensya na.

Balik sa mayabang na nag-epal. Edi ayun, 1154 profile views daw tapos nakalagay yung date. Eto talaga lokohan na. 4/1/2008. Yan ang date, in other words, “as of” parang sa eleksyon. E adik ba sya. KASISIMULA pa lang ng month tapos makaka-garner na sya agad ng thousand views, eh sino niloloko nya? Sarili nya? Mga katulad din naming tae sa prenster? At ano naman ba kasi ang intensyon nya para i-post yun? Magyabang lang naman ang bottom line nyan. Di naman dadami ang friends ng makakabasa ng bulletin post nya na yun kung sakaling mabasa nga. (Na-try o e, di dumami, stuck pa rin sa 499). Pero teka di ba NAGRE-RESET yung counter every month so ambilis naman ng mga pangyayari? Dinaig pa nya yung mga profile ng kung sino mang mga model, artista, mapa-Pilipinas man or HOLLYWOOD. Siya ba si Jessica Alba(tross) o si Paris Hiltonfinger? Ano ba binebenta nya at ganon kabilis dumami kung totoo man? Dinaig pa din nya yung mga porn sites bwahaha. Sige para masiyahan kayo, I’ll provide the shot. (Aba dapat lang may shot, minsan lang ang ganitong katinding pag-eepal plus pagyayabang. dila Sorry ka, SIKAT ka kamo e. dila)

di totoo

Di issue dito kung babae or lalake ka. Issue dito e kung epal, mayabang, at papansin ka. No excuses! dila

Kung di pa kayo nasiyahan. Pwede niyo ring i-click yung shot sa taas to view her profile. Siguro naman after nila mabasa to magkakatotoo na yung mga sinabi mo sa bulletin board, baka nga maka-2000 views ka pa. Maglagay ka na rin ng AdSense. diladiladiladila

Advertisements

Mga Puna»

1. aKDa - Abril 4, 2008

hahaha…

low class na taeng tenant sa Friendster

no better way to say that line. nyahaha.

2. dave1112 - Abril 4, 2008

hahaha sya kasi e…hehehe..

3. wei vines - Abril 4, 2008

dude…minsan na nga lang mag feeling weehhh…

4. dave1112 - Abril 4, 2008

masyado ka yata nabrutalan sken..hahaha..
OA naman kase sya mag feeling e..1154…pde namang 1000 lang…baket may butal/gutal pa?..hahaha

5. wei vines - Abril 5, 2008

Tama lang ginawa mo..

kaya nga andyan mga feeling eh…

para laitin naten.. hehe

peace \m/

6. dave1112 - Abril 5, 2008

hahaha…aprub!

7. 4m4n1 - Abril 14, 2008

hahaha pampam nga naman yan. pero posible yang cnsbe nya. kaya tlga umabot ng 1k plus views. ntry namin iexperiment yan sa scandal pics namin. nung nging primary pic ung scandal pic n close up halikan. ung page views umakyat gang 500+ in just 3 days. so aun possible naman xa

pero on the other syd. bkt ngaba need p ibroadcast s bulletin. pake m nga naman dba. hahahaha

8. 4m4n1 - Abril 14, 2008

ayyy ngaun q lng npncn. ung knya pla d q alam kng totoo baka imbento lng d q dn sure kasi nspot q ang date. hahaha 1day 1k views. mukha ngang imposible pero kng in a week baka maniwala pako. hahaha

9. wei vines - Abril 14, 2008

daig pa artista eh…noh? 😀

10. dave1112 - Abril 14, 2008

imbento lang yan 4m4n1..itataya ko underwear ko…hahaha…

11. dave1112 - Abril 14, 2008

wei ewan ko nga ba e, nagsulputan naman sana yung artsita based reality search…bat di na lang nya dun ihasik ang lagim nya…. ngorkz!

12. jingjing - Abril 14, 2008

(^_^) aus…tama ka naman po….inarte, anu naman kung ivview mo din xa, hindi din ibig sabihin na gs2 cya ng lahat(^_^)

13. terri1611 - Abril 14, 2008

^oi jing! SAlamat sa pagdaan! hehehe… ang pinakamasaklap dito, eh yung parang nakareceive sya ng award dahil sa thousand views niya 😆

14. dave1112 - Abril 15, 2008

parang pera pera lang ang labanan noh terri, jing?!..hehehe.. 😀

salamat jing sa pagdaan.. 😀

15. merv. - Abril 27, 2008

hhaha. congrats sakanya. freindster. lahat na ata ng tao at kabayo meron na non!! hahaha

16. dave1112 - Abril 27, 2008

hahaha..

and you rose from the dead… 😆


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: