jump to navigation

Ewan Ko Kung Bakit Ako Apektado Pero Gayunpaman Potangenang Profound Sya Pebrero 9, 2008

Posted by dave1112 in Annoying Sights.
Tags: , , , , , , , , , ,
trackback

Saturday.
At may klase ako kanina.
Accounting (Lab).
3 hours.
And as usual, late na naman ako.
Ilan?
49 minutes.

Ayos na sana ang araw ko kahit alam kong late ako. It happens naman. Lalo na pag mga lab ang klase at nagsisimula ng 7:00a.m. At sabi ng prof namin sa Psycho eh normal sa lalaki ang nale-late kasi mahirap gumising lalo na pag umaga. Bakit? Lagi daw kasi fertile ang mga boys. Pero back to the show. Bakit nga na-ruin ang araw ko? Paano? Sino?

Ganito kasi yun.

I was on my way to school. Nag-abang ako ng jeep. Byaheng terminal ang sinasakyan ko instead of Palengke/Pacific dahil mas convenient pag diretso na sa Terminal at dahil dun din naman ako sumasakay papuntang eskwelahan. At dahil na rin mas tipid. Iba kasi ang byahe ng bawat isa:

Terminal=liliko, Palengke=diretso

Nang makasakay na ko edi ayun, ayos! Ng makarating na sa terminal, sakay naman ako ng byaheng San Jose tapos nakasabay ko uli ang kasabay ko kanina sa Jeep #1. Yep, 2 sakay ako pag pumapasok. Anim kaming pasahero, may dalawa sa harap, mag-asawa yata. Apat naman kami sa loob. Dun ako naupo sa malapit sa end ng jeep na I prefer dahil mas madali bumaba. Ayun sumakay nga ang nakasabay ko kanina. Bale 3 kame estudyante sa loob at may isa yata na hindi. Ayus si mamang drayber. May MP4 pa sa jeep nya instead of old school na usual car stereo. Edi tumutugtog. Ang kanta “I Lay My Love On You.” Okay lang. Normal naman ang nagli-lip sync pag may tumutugtog. Gawain na ng Pinoy yun. Yung isang babaeng estudyante na katapat ko nagli-lip sync. Ayus lang. Ako minarapat ko ng hindi maki-duet sa Westlife. Medyo patapos na rin ang kanta, nasa last stanza na yata. All things are normal sana nang biglang bumanat yung katapat ko. Lalaki yun, estudyante rin, mga 20 na siguro, kamukha sya ni dodong. At bagay sila ni Badong.

Sabi ba naman nya eh:

“I lay my love IS TRUE
It’s all I wanna do
Everytime….”

Aba’y potangena, na-trigger ang mapanuri kong tenga at biglang kumunot ang noo ko. Pero dahil naka-cap ako, di nya nakita yung pagkunot nito. Aba’y tama ba namang i-revise ang lyrics. Nakikikanta ka na nga lang eh babaguhin mo pa! Gago ba sya! At eto pa. Alam mo yung gawain ng isang tao na gustong kumanta/makisabay sa kanta pero di kabisado yung lyrics, yung mahina, na parang may binubulong lang, pero pagdating sa chorus eh biglang magpu-full effort na lakasan ang boses. Well di naman masama yun. Ang masama eh di mo na nga kabisado yung lyrics eh dun pa mismo sa punto ng kanta na hindi mo alam ilalakas. At take note proud pa sya. Kahiya tuloy sa gelay na katabi nya na nagli-lip sync. Kahit patapos na ang kanta eh maraming beses pa rin nya kinanta ang tarantado niyang lyrics till fade. Sana nga sya na lang ang nag-fade. As in punong-puno ng kumukulong pagmumura ang puso ko nun. Buti at maganda ang naging gising ko. At buti na rin at mabait ako. Dahil kung hindi kakantahan ko sya. At lalakasan ko sa parteng binaboy nya. Yeah! In his pakening face.

Napaisip ako tuloy isang scenario, na kung sana may kasabay akong kaklase.

Dave: Alam mo ba yung kanta na yan?

Kaklase: Alin? Yan? Ah oo naman. Grade 5 or grade 6 pa ata ako nyan eh.

Dave: Oo mga ganon. Basta nung elementary pa. Ganda nga nyan.
(tapos tyetyempo sa chorus, sasabayan ko, at ttitingin paminsan sa may tantadong estupidyante lalo na sa part na binaboy nya)

Dave: “I lay my love ON YOU!!!
It’s all I wanna do
Everytime I breathe I feel brand new
You open up my heart
Show me all your love, and walk right through
As I lay my love ON YOUUUUUUU!!!!

(tapos sabay sabi sa kaklase ko na..)

Ganda nuh?! Pero ayoko na nyan. Naiba na ata kasi yung lyrics. Parang nawala yung message.

Kaklase: ….. (nakangisi)

Katutubo: …. (dumbfounded)

Kaso pagkakataon nga naman, ala akong nakasabay na kaklase na magpaghihingan ko na sama ng loob at madadawit sa madugo kong krimen.

At kung pumutok din ang mga nagmumura niyong puso’t isipan. Eto pa isa. Tapos na ang “I Lay My Love IS TRUE,” bagong kanta na naman. More on drums. Aba’y talaga atang nag-aasar ang damuho. Gumawa rin ng sarilina bersyon ng drums yung gago. Ayun ginamit ang kamay at hita. Nagagawa ko rin yan paminsan-minsan sa jeep pero di aabot sa puntong parang tinatrato mo na talagang drums ang mga walang muwang mong hita na kasamaang palad eh ginawa nya. Aba’y yumayanig ang jeep. Profound nga ang pota. Pati paa pinadyak padyak pa. trying hard rakista ata to sa loob loob ko.

At ayun nagdusa kaming apat sa loob sa kanyang mga sariling trip. Pero deadma pa rin yung dalawa pa naming kasama sa loob, pati na rin ang chikabebe na katabi nya. Ewan ko nga kung napapansin ng katabi nya ang kasiraan ng ulo nya, pero sa intensity ng mga ginagawa nya ay di mahirap. Natapos na naman ang isang kanta at salamat ni isa samin walang nasuka.

Naglabas na naman ng ID nya ang babae na kasabay namin, dahil malapit na rin atang bumaba. Ako rin ganun gawain ko. Di muna ako nagsusuot ng ID, pag malapit na lang. Eh yung katutubo ulit na kasama namin eh “May I dungaw” naman sa ID strap ng babae na nakasulat eh “UST HOST – UAAP 2007” basta parang ganyan. Katutubo nga ang gago. Ngayon lang yata nakakita ng ID Strap na ganun. Nakita ko kung paano sya namangha sa pagkakakita nya sa kawawang ID Strap. Sinundan nya ng tingin ang strap hanggang sa makababa ang babae. Hindi ko na talaga alam kung ano ang nangyayari. Pero ang matitiyak ko lang ay isa syang katutubo. Parang nagyon lang sya napadpad sa urban area. Peste sya! He ruined my day. Pero kanit papaano natatawa ako. Pero 98% dun ang pagkaasar ko sa kanya. Ang sarap nya ipadukot sa mga frat. At ipabugbog hanggang sa makanta nya ng tama ang lyrics ng “I Lay My Love On You.” Di ko sukat akalain na sa mga panahon ng iPod, laptop at flash drive ay may mga timang pa na nalalagi. Parang tulad lang din sya ng isang mama na nakasabay ko rin matagal na. Ginawa ba naman MP3 player yung kanyang polyphonic cellphone. Isipin mo yun. Polyphonic lang yun pero feel nya ang swabe nya at may tugtog ang cellphone nya. At ang tunog….

“Captain Barbell”

Meron din naikwento sakin sila Kuya Julius, MC, Lovelie, at iba ko pang kaklase. Yung trip naman daw ng mama na nakasabay nila eh tatapusin pa ang ringtone bago basahin ang text. At ang ringtone….

“Beautiful Girl”

Marami sila, kumakalat. Pero wag kayo matakot sa kin. Okay lang na kumanta ng mali ang lyrics. Ganun talaga eh. Ang masama lang eh ipagmamalaki mo pa sa madlang tao na mali-mali ang lyrics mo. The same way din yun na pinagmamalaki mo na tantadong idiot ka! Pasensya na tinopak lang talaga ako sa kanya.

Advertisements

Mga Puna»

1. wei vines - Pebrero 9, 2008

kaputanginahan naman talaga oh! sabagay, ako naman eh nanghuhula lang din ako ng lyrics..(actually,sakit ko na yung wala kong kinakabisadong lyrics…linya lang na favorite ko :D)

malay mo naman..binabababoy lang ng boyband na yun?

2. wei vines - Pebrero 9, 2008

*i mean, sinasadya*

3. dave1112 - Pebrero 10, 2008

hahaha…ako gawain ko din yan, pero di to the point na ipangangalandakan mu pa sa tao na hindi mo na nga alam yung kanta eh ilalakas mo pa yung part na yun….wahehehehe…

4. trishie - Pebrero 14, 2008

haha. lab is in the air na ba? haha 😀

5. dave1112 - Pebrero 14, 2008

naligaw ka….haha..

6. aKDa - Pebrero 19, 2008

shets dave! kabisado mo yung lyrics ng Westlife!?!? potangena., haha, fanatic ka talaga noh! haha. uwi ako sa sabado, dami kong balita e. nahuli na nga pala ko. wala lang, inuulit ko lang dito sa blog natin. saka na ko magu-update, pasensya na kayo kung tamad akong magpost ng bago, ganun talaga e. putek na buhay to. hehehe.

comp lab nga pala namin, wala lang, nagpapaepal lang ako.

7. dave1112 - Pebrero 20, 2008

woi nagkataon lang na nasa katinuan ako ng mga panahon na yun kaya kabisado ko yung lyrics at sya….tae….mwahehehe….

bout dun sa paghuli sayo, congrats… 😀

hamu na kung di ka nakakapag-post, bawi na lang tayo sa pag comment sa mga posts naten…hahaha..

8. randomdemeanor - Marso 14, 2008

hahaha…ganun ang mga feeler pare..hahah…nagpapansin para may magsabi sa kanya “huwaw! alam na alam nya tlaga ang lyrics..pa-autograph naman oh..”potex.

i lay my luv on you..westlife ..boyband..parang kayo..Gagitos..BOYBAND?…..pis!

9. dave1112 - Marso 14, 2008

wahehehehe nyakz….wala sa hinagap namin na maging band….hahahaha… band aid pde pa… (mais)…mwahahaha…

pero infairy tale sarap ipalamon sa kanila yung lyrics..tae nila…peste..wahahahaha..

10. randomdemeanor - Marso 16, 2008

hahah..tsaka di na uso yun..ang sagwa naman kung mag boy bagong boyband pang mag-e-exist sa panahong ito…pwera sa nag-exist na..heheh.

uy, malapit na bakasyon, magpost na kayo ng marami ah (demanding?..hehe)…ala lng, nagpang-abot kasi kayo sa isang blog…kakaiba..

11. aKDa - Marso 18, 2008

wow. thanks randomdemeanor sa pagbulatlat mo ng aming blagito. wag kang mag-alala, aatupagin kong mabuti ang pagpopost. kakaririn ko to para sayo. haha.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: