jump to navigation

Group Message Enero 1, 2008

Posted by akda in Annoying Sights, Bomba sa Siyudad.
trackback

Group message a.k.a GM.

Uso ‘to lalo na kapag holiday. Oo! Pati simpleng pagbati ng ‘Merry Christmas” at ‘Happy New Year!’ ay tinatamad na ang mga tao. Kaya mas mabuting maghintay sila ng forwarded na greeting at saka nila ipapamudmod sa kanilang prends.

Ewan ko senyo, pero ako, mas gusto ko pa yung one liner na pagbati ng ‘Meri Xmas’ o di kaya’y ‘hapi nu yir’. Mas okay pa saking basahin yun e. At least, yun lang talaga yung nais sabihin ng sender.

Kesa naman sa kasinghaba ng telenobela, tas ang messagelang talaga niya syo, hapi new year. yung tipong…

gud evening!… senxia ngayon lang nakapagunli bla bla bla

tunying, ung alaga nating baboy, pakainin mo na.

indeng, yung kalabasa mo, puro libag na, paliguan mo na nga!

toyang, bigyan mo ko ng advice, nag-away kasi kami ni lovelife ko.

lovelife, hapi new year. ayabyu.

at sa iba pa, hapi new year senyong lahat!

eh kung hindi ako si tunying, indeng, toyang, at lovelife, sino pa ba ko? Siempre ako si ‘iba pa’… Kewl! Nice name!

Siempre, dahil can afford na ng madaming tae ang pagtetetetetetetetext-TING!, ayan, madami din ang napeperwisyo. Di lamang tuwing holiday, uso din to pag ordinaryong araw lang.

Ang mas nakakaperwisyo pa, yung di ka naman kasali dun sa supposed to be ‘group’ na kung san sinesend yung message na yun, pero lagi ka pa ding nakakatanggap ng daily alerts mula sa kanila.

Example… Magte-text yung hindi mo naman classmate…

(insert section here) Guys, may quiz nga pala tayo sa chuvaness eklavu sa wednesday. Ano ba ang mga covered na topics?

Sa iba, good morning!

Ehe? Bat di na lang sia gumawa ng dalawang GMs at saka magkahiwalay na nisend? Ahh, nakakatamad gawin… Eh bat pa sia nagtext?! Sana natulog na lang siya maghapon magdamag. Taena.

May mas malala pa diyan. Yun bang sinabihan mo ng ‘wag mo na ko isali sa gm mo…’, di pa din madadala. At di ka pa din niya titigilan. Badtrip yun diba?

Ang aking mensahe, tae kayong mga nagg-gm. Tigilan na! Masyado niyong inaabuso ang unlimited texting. Mga tae kayo! Isa pa, wag na wag niyong isasampal sakin na ‘sinusulit lang unli.., bat ka maga-unli kung wala ka namang regular na katext? naga-unli ka lang ba para mamerwisyo ng buhay ng ibang nilalang.?

Advertisements

Mga Puna»

1. wei vines - Enero 2, 2008

haha! dag dag mo pa yung nakakarinding offline messgae na walang sinabi kundi ang buhay nya! sana gumawa na lang siya ng blog para di na lang siya mang istorbo..noh? badtrip.

2. burikatdoll - Enero 2, 2008

haha. badtrip rin ako sa mga ganyan. yung ibang mga GM eh parang dapat eh i-PM na lang kasi medyo chismisan na yung iba eh di ka naman nakaka-relate. hahaha. lintek.

3. dave1112 - Enero 2, 2008

para bang artista na pinangangalandakan yung sked niya, pati buhay buhay niya sa mundong ibabaw..hahaha..anu to FANATXT?…eka nga ng isang audible sa ym: “Hellooooo! Okay ka lang?!” πŸ˜€

pero sa tingin ko lang ha..mas mahirap yung ginagawa nila kase magiisip pa sila kung sino sino ang mga tauhan sa storya nya, eh kung simpleng paisa-isang send edi hindi ka na mag-iisip pa…

bout dun sa YM gm na binanggit ni wei, ewan ko nga ba..yung isa kong account dun, sa tuwing magbubukas nlng ako, andameng offline messages, eh di naman aasenso buhay ko sa dame nila…

bout naman sa sinabe ni trishie, uu nga, halimbawa “HAPPY NEW YEAR SAYO. LOVE YOU. LAM MO NA KUNG SINO KA.” eto namang isa sa mga malas na nakatanggap ng GM eh kukulitin yung sender, “OI SINO YUN, ” eh yung isa naman di din sasabihin (pwera na lang kung matindi ang convincing powers nya)…at ayun magkukulitan na sila and the rest is history…hahah…ayaw naman palang ipaalam, isasama pa sa group message…

tapos yung sinasabe, sinusulit ang unli…eh paano yan kung wala talagang unli, di sya naimbento, di sya pinanganak, edi galit galit na, wag na tayong magbatian tuwing pasko, nu yir and kung kelan pa kailangan….

pero yang GM talaga na yan, yan ang masyadong inabuso ng mga unlitxters sa Pilipinas ngayon, nasira tuloy pangalan ni GM….hehehe.. 😦

4. wei vines - Enero 3, 2008

hayyy… pota.. kala ko yung ginagamit kong account ngaun (weifel) eh ligtas sa gm… yun pala hindi…waaaaaaa~

hmmm mukang absent si akda ah πŸ˜€

5. dave1112 - Enero 3, 2008

sabi ko naman kase sayo gawa kang bago, yung suggested id ko…haha.

6. burikatdoll - Enero 4, 2008

lol. hinayupak talaga yang mga GM na yan.
sabihin na lahat ng pangalan ng kakilala ng sender, tapos sayo… WALA… lintek! bat nasali kapa sa kaletchehan.. ahahaha. πŸ˜€ ignorante sa UNLI.

7. aKDa - Enero 4, 2008

laging dun ako napapasama sa last line ng mga GM. kaya siguro gento ko. bitter loser. haha. dun ako sa part ng “and sa iba..”, “others…”,… buti nga walang “etcetera..” eh. hahaha.

8. dave1112 - Enero 5, 2008

buti di uso sa text yung salitang kulimagmag kase dun tayo babagsak akda…. πŸ˜€

9. wei vines - Enero 5, 2008

haha! buti na lang din.. uhmmm uhmmm..buti na lang di ako kasali sa mga group message na ganyan…wahahah! puro quote lang pinapasa saken eh.. πŸ˜€

10. wei vines - Enero 5, 2008

oi ps pala, pwede sa library tong wordpress tol.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: