jump to navigation

Salamat sa Titulo Disyembre 22, 2007

Posted by dave1112 in Bomba sa Siyudad.
Tags: , , , , , , ,
trackback

Kagabi lang ay nagkekwentuhan kame ng mga co-stockholders ko dito sa gagitos. Napadpad ang topic sa mga nag-react sa pinost nya sa kanyang site. Ito ay tungkol sa mga nabagabag na kaluluwa nang dahil sa kanyang naipost. Ikaw ba naman magbasa ng isang blogpost na hanggang pers paragraph lang eh di ba mababagabag ang isip mo? Ni hindi mo man lang nalaman kung anong nangyari sa istorya, kung nagwagi ang kabutihan laban sa kasamaan o nanenok ang bida. Pero gayunpaman, bilib na rin ako sa mga ganitong uri ng tao, kase yung iba nga dyan titulo lang ang binasa. Opo mga kaibigan, tanging titulo at pawang katituluhan lamang. Ang masaklap pa dun, pagkatapos mabasa ang titulo saka magre-react. O saan ka pa? Ginawa nilang ulam ang title, ika nga, “title pa lang ulam na!”

Yaman din lamang na maraming nag-comment react. Habang kame’y nag-uusap-usap tungkol sa aming mga hacienda’t sakahin ay naisingit ni wei ang tungkol sa blog stats. Ayun nilagay nya ang link at aming ni-click. Ayun!!!! Pang number 44 kame sa top blogs. Edi tuwa naman ang mga stockholders ng gagitos. Not bad huh! Kasi ba naman nasama kame sa top 50, pero kahit nasa bottom 50 kami ay masaya pa rin (waaahh showbiz!)

At ang mga sumunod na pangyayari ay natala na sa aklat ni Tutong!

Sinubaybayan na namin ang top blogs page (o kung ano man ang tawag dun). Lahat ng stats, inusisa, ginalugad. Nariyang naging pang 24, tapos bumagsak sa 33, at kung saan saang numero pa. Andyan din ang pagpromote ni wei ng site sa kanyang ever peborit na community site. Namuhunan din kame sa mga kaaway ni wei. Salamat din sa mga taong napadpad dito at nag-komento pa sa ibang post dito sa Gagitos. Kung sino sila, i-check niyo na lang sa blogroll. Sa mga di pa nailalagay, pasensya na po, and please inform us. Lumipas din ang mga oras na nagloko na naman ang connection ni aKDa at nag-utuan na nga lang kami ni wei. At dahil tao din kami,may tulugan din namang naganap ng umagang (kanina) yun.

Nagising ako mga alas-kainan na. Kumain. Nag-kompyuter. Nagcheck ako ng stats, hmmm, getting well, although may mga oras na bumabagsak ang ranking and that’s life. Ang panlaban namin ngayon sa post ay yung ipinost ni aKDa, yung Bastusan na Post.

Pagkatapos kong magsawa sa kompyuter eh nagtulug-tulugan muna ako sandali. Pagbukas ko uli ng kompyuter, si stats na naman ang kinalantari ko. At namangha nga ako, na siya na ring dahilan kung bakit kayo nakakabasa ng post ngayon.

Eto nga pala sya. Waahh ang sarap pala ng pakiramdam. Eto yung nasa dashboard.

gagitos1

Eto naman yung separate. Yung una, yun yung nasa top post. Yung sumunod eh yung sa growing blogs.

gagitos2

gagitos

Naipost lang to kasi nga sabik ang mga gagitos.Yun lang po. Gagu nga po ang huling shot kase ewan ko na ayaw niya pa post, paki click na lang pag gusto nyo pong makita, pero aayusin ko po yan mayamaya. (At hbang sinusulat ko ito ay may amoy nag-iihaw sa tabi ng bahay namen, amoy barbecue, hmm, wala pa ngang a trenta’y uno amoy inihaw na.)

Advertisements

Mga Puna»

1. koreanmine - Disyembre 23, 2007

hehe kaka aliw ka tlaga mag post, usually di ako nag babasa pag mga “rants” lang pino post pero naaaliw ako sa mga “kagaguhan” 😀 nyo kaya eversince pag nkita ko sa BOTD, ni ki klik ko 😀 niweis, its gud dt ur having fun.. enjoy lang, laksa maka high nyan, hehe 😆

2. dave1112 - Disyembre 23, 2007

waah salamat salamat po…kahit na sa ngayon eh wala pa kami gaano panama sa mga posts ng iba..salamat sa advice… 😀

3. wei vines - Disyembre 23, 2007

pasalamat na din tayo sa mga bobo…kung wala ang mga bobo, wala tayong masusulat… 🙂

4. dave1112 - Disyembre 23, 2007

o yea wei, rock on! hahaha..

5. TRISHIE - Disyembre 24, 2007

you guys deserve it. 😉 KUDOS!

6. aKDa - Disyembre 25, 2007

haha. thank yow mga bobits! oyey! ehehehe… ang saya naman! lumuwa yung post natin sa blog of the day. hahaha. kainis na wordpress, nakikiride sa kagaguhan natin! yeah! \m/


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: