Si TigiDingdong
May 9, 2008
Posted by dave1112 in Annoying Sights, Fun fUn fuN, TV.
Tags: angel, dantes, dingdong, dyesebel, gma, locsin, marian, marimar, rivera
14 comments
Alien na lang and di kilala yan! Oo siya nga, ang isa sa mga sikat na leading man ngayon sa TV ng Pilipinas. Ayan a, di ko sinabing pinakasikat at baka magalit mga “pans” ni Piolo. Bwahaha..
Minsan isang gabi habang nagre-research ako para sa isa kong subject ngayong summer ay may nakita akong kakaiba. Sa Wikipedia talaga ako nagreresearch. Usual habit ko (na parang bad habit na) e yung habang nagbabasa ako, magki-click ako ng link. Open ko sa new tab. Hayaan ko lang sya dun. Pag tapos na ko sa isa kong binabasa, yung naman isang tab na in-open ko earlier ang gagahasain ko. At sa tab na yun may makikita na naman akong link. Mahina na ang 3 link na makikita ko. Yung mga link, either sa site din na yun or external na. Minsan nga napagtripan ko bilangin kung ilang tab na ang nao-open ko. Ni-try ko bilangin isa isa. Nahilo naman ako, nakakaduling. Kaya ang ginawa ko, nagtangka ako i-close ang Firefox. Edi ayun may pop up na lumabas:
“You are about to close 64 tabs. Are you sure you want to continue?”
Huwaaaat?! Ganon na pala karami naka-open. Ang adik ko talaga hahaha. Kaya hindi na rin ako nagtaka kung bakit ang dalas mag-hang ng browser ko nun. 64 tabs ba naman ang naka-open. Hahaha. So tuloy ang pagbabasa. Nung malapit na maubos ang pulutong ng mga tabs may site dun naka-open. Celebrity profiles ng mga pinoy ta-artits. Binulatlat ko naman. Wala ako maisip na hahanapin kaya yung nasa featured na lang pinakialaman ko:
Profile ni Angel Locsin, Marian Rivera, at ang nag iisang lalake, si Dingdong Dantes.
At as usual, 3 tabs na naman ang na-open. Basa lang ako ng konti, tapos lipat na klo sa iba. At ayun na nga, ang profile ni Sergioooooo.
uy may picture. Tang*na! Napamura ako sa nakita.
(Click mo yung pic sa baba.)
At ngayong na-click mo na, anong masasabi mo? Di ko pa rin alam hanggang sa ngayon kung ano nasinghot ng nag-upload ng picture na yan. Akala ko nga parte ng Google AdSense. Sana nga parte na lang ng AdSense, pero hindi e, sa profile talaga ni “dingdong” yun. Audition ba to sa Dyesebel? Naku po! Late na. Sige sa susunod na Filipino TV remake ng GMA ng “The Beauty and the….Beanstalk”
P.S. Sa mga nabagabag na kaluluwa (pasensya na po) na gustong malaman ang site, pakitingnan na lang po ang picture ulit. Nandun ang address. Sige para sa mga tamad at mga hindi pa maka-get-over sa mga pangyayari, eto na. At bago ko nga po pala i-post to, bumalik uli ako sa site na yun. Sa kasamaang palad po, si Dingdong na talaga ang naka-front na picture dun. At nabago na rin po ng konti ang site. Browse na lang po kayo sa Photo Gallery, nandun pa rin po ang “suspek.”
Website ng Pilipinong Makulit of the Month! (May 08) May 9, 2008
Posted by dave1112 in Bomba sa Siyudad, Fun fUn fuN.Tags: greenpinoy, makulit, may
7 comments
Ang mga Gagitos ay nagpapasalamat sa Greenpinoy dahil sa pagkilala samin bilang Pinakamakulit na Site of the Month. Every month po ay nanghuhunting ang Greenpinoy ng makukulit na website. :d At yun nga nga pinalad po kami na ma-feature for the month of May. Tulad nga ng sabi ni aKDa, ito na nga ang pinaka-prestihiyosong award sa Blogosphere. Nyehehe. Muli salamat po sa Greenpinoy. Salamat Kuya Jason. Mabuhay ang Pilipinog Makulit! Wooohoo!
Dito naman po yung mga previous na na-award-an.

P.S. Kuya jason pahiram ng banner hahaha.
Make a scene! Make a sin! Make a scene! April 22, 2008
Posted by wei vines in Bomba sa Siyudad.Tags: bus, eksena, epal, gagitos, grade 6, papansin, papel, pasahero, wei
28 comments
Wala namang saksakang naganap, Basta lang nakakapukaw sila ng atensyon ng iba (in short: papansin) o hindi lang talaga sinasadya na sila ang nasa spotlight nung mga araw na yun.
Sakay ako ng aircon bus papuntang SM perbyu nang biglang may ‘nagsisigawan’ sa likod.
Pasahero: Kulang pa to ng ng limang piso ah!
Kundoktor: Eh ganyan na po talaga yung pamasahe noon pa.
Pasahero: estudyante lang ako oh! (at pinakita pa ata ang id)
Kundoktor: Discounted na nga yan eh!
Pasahero: discounted? eh kulang pa nga ng limang piso?
…At dun na nagsimula ang away. Di na pinansin ni mamang kundoktor ang pasahero. Syempre, wala sa kanya ang kawalan. Maya maya, narinig ko na lang uli yung pasahero na bumabanat; nagsusumbong sa erpat niya.
Pasahero: Hayy nako. Limangpiso nga nawala saken eh, kulang na pamasahe ko.
Pasahero: Pa, dapat sa mga ganito hinuhuli eh. Magkano lang ba sa philcoa?
Kasama ng pasahero: tama na…
Pasahero: Haha! dapat sinsumbong to sa erpat ko eh. Pulis yun!
Ahhh ganoWn?! pulis? dapat sinasampal to ng limangpiso eh. Gamitin ba naman propesyon ng erpat niya? Manggagamit ampf. Napakasimpleng bagay lang, kailangan pa dapat palakihin? Pagbaba nila ng Philcoa, tinignan ko yung tatlo, tsaka yung ‘nagmamagaling na may erpat na pulis’. Halatang ka edad ko lang, at halatang badtrip sa na-lost niyang limangpiso. Kung sabagay, pambili din yun ng yosi.
Sa esem perbyu, syempre, dahil naghihintay ako sa kausap ko, wala naman akong ginawa kung di maglakad. May nakasalubong akong babae na naka miniskirt at naka tube. Halatang mabigat siya maglakad. Tumatalbog ba naman?! Napatingin lang ako, kaya nagulat ako nung umarko na yung kaliwang kilay niya saken na parang nagsasabi na: ‘ano tinitingin tingin mo dyan?!’
Napa-second look tuloy ako na parang sinasabi ko na: ‘problema mo??!!’
Pag uwi naman, nagulat ako nung may nakaharang sa dinaraanan. Isang couple ang nagaaway sa gitna ng kalye. Man, pwede naman siguro tumabi tabi para di perwisyo sa mga dumadaan diba? Agaw eksena pa yung hagulgol nung babae. Paawa epek ba yun? oh para lalong maagrabyado yung lalake kasi nga, napapansin sila ng mga dumadaan. Ang panget miss. Di ka cute.
-
-
Speaking of agaw eksena. Hindi ko makalimutan nung grade 6 ako, habang nakatingin lang sa labas ng pinto, may isang college student ang tumatakbo para habulin ung isang tricycle driver. Umiiyak siya habang humahabol with matching words na: ‘gagooo kaaaa!!! gago kaaa!!!!’ habang tawa ng tawa yung driver na yun.
Nalaman ko na lang, hinahabol niya pala yung driver dahil nabuntis siya. Mga ganung epek. Awa? Ewan.


