A Story for Arousal Disposal
December 7, 2007
Posted by dave1112 in Fun fUn fuN.
Tags: badong, damn, funny, kagaguhan
trackback
BABALA: Ang susunod na istorya ay nahagilap lamang ng inyong lingkod habang sumusuong sa agiw-agiw na landas ng Internet. At one thing more, patnubay ng chihuahua ay kailangan. OA na, let’s proceed!
*************
PLEASE READ THE STORY FIRST
Sometimes you think you know the people that are close to you..but beware. Please excuse the graphic nature of how this story is told but I believe it is necessary to highlight the important lesson within.
Huwag Po Itay….
Nais kong ibahagi sa inyo ang namagitan sa amin ng aking itay isang gabi. Hinding-hindi ko
makakalimutan ang gabing iyon.
Malakas ang ulan noon nguni’t maalinsangan ang simoy ng hangin.
Ako ay nagsusuklay sa aking silid, katatapos ko pa lamang maligo at nakatapis pa lamang noon. Narinig kong kumakatok si Itay sa aking pinto. Nang sagutin ko ang pagkatok niya ay sinabi niya na kailangan daw naming mag-usap at humiling na papasukin siya. Binuksan ko ang pinto at siya’y kagyat na pumasok sa aking silid.
Laking pagkagulat ko nang ipinid niya at susian ang pinto. Hinawakan ni Itay ang aking mga kamay, hinaplos-haplos niya ang aking buhok, ang aking mukha, pinaraan niya ang kanyang mga daliri sa aking kilay, sa aking mga pisngi,sa aking mga labi. Napasigaw ako.
“ITAY, huwag, huwag! Ako’y inyong anak! Utang na loob, Itay!” Nguni’t parang walang narinig ang aking Itay. Ipinagpatuloy niya ang kanyang ginagawa. Ipinikit ko na lamang ang aking mga mata dahil ayaw kong makita ang mukha ng aking ama habang ipinagpapatuloy niya ang kanyang ginagawa sa akin.
Naririnig ko si Inay sumisigaw habang binabayo ang pinto at nagpipilit na ito’y buksan, “Hayop ka! hayop ka! Huwag mong gawin iyan sa anak mo! Huwag mong sirain ang kanyang kinabukasan”.
Subalit wala ring nagawa si Inay, hindi rin siya pinakinggan ni Itay. Nanatili na lamang akong walang katinag-tinag at ipinaubaya ko na lamang ang aking sarili sa anumang gustong gawin ng aking Itay.
Pagkalipas ng ilang oras ay tumigil na rin ang aking Itay. Iniharap niya ako sa salamin ay ganoon na lamang ang aking pagkamangha at pagkagulat sa aking nakita. Magaling naman palang mag-make-up si Itay.
Nang gabing iyon ay nagtapat sa akin ang aking ama. Bakla pala siya. Labis akong nagalak sa
galing at husay ng aking ama. Naisip ko na matutuwa ang aking boyfriend dahil lalo akong gumanda ngayon. Niyakap ko si Itay at pareho kaming napaluha sa labis na kagalakan. Masaya na kami ngayon at nabubuhay nang matiwasay.
Lovingly yours,
BADONG
*************
Kung kayo’s nagpantasya sa bida ay binibigyan ko kayo ng pagkakataon na makita siya.

At kung talagang mahilig ka sa mga endangered species, eto pa isa..

At dahil narating mo ang dulo, masasabi kong dakila ka…mantakin mo yun, nagawa mong pagpantasyahan ang isang mataas na uri ng taong lobo…



lols pare! una ko yang nakita yang pic na yan nung nakikipag asaran ako sa pinsan ni miguel[at si miguel mismo] tapos excited na nikwento saken ni miguel yung ka live-in daw ni pinsan niya.. pinakita nya yung pic..tapos tawa kami ng tawa… ayun..nostalgiac days… wahaha!!
mwahahaha…ako naman nakita ko to sa pag galugad ko sa net..at ayun..nung makita ko…”can’t help but hagalpak”….(weeee, luminya pa eh noh?!)..ayun nisave ko sya sa pc ko..taz nisend ko kay akda thru ym..sabe niya ipost ko daw dito..kaya ngayon andito sya..;))
hahaha! teka. lintek. napatambling ako!
talbog pa niya ang beauty ko ha. echos!
baket ngayun ka lang ba nakakita ng mataas na uri ng taong lobo?….hahaha..
haha. tang lobo amp. susyal pa! bat di na lang mataas na uri ng daga? *_*
daga? bat di na lang gawing ipis???dem..haha!
taong lobo ba yan?
high breed yata yan eh.
lobo halong KABAYO.. haha!
o cge cge, para walang away, TIKBALANG na…hahaha..
hehe. bait mo talaga dave. pero likas na iniinis mo ako sa greenpinoy! haha! send mo na pic mo ha! dali! lintek
hahaha…cge inisan na lang tayo…
hala naman…di naman na kailangan ng pic ko dun, or i’d rather say na di na kailangan pa ng photoshop para magmuka akong sidekick ng kontrabida..hahah…
@dave >> send mo na nga lang kasi. sino namang nagsabi na i-phophotoshop pa yun? HAHAHAHA!!
*naisahan* behlat!!:p
whooooaa! mas lalo akong di magsesend, di pala ipo-photoshop eh, edi nakita kow, hahahah, naisahan din behlat!!!…haha…
asus. kaw na mismong nagsabi na di na kelangan ipho-photoshop eh biglang bawi naman ang drama mo diyan? haha. oh cge. wag ka na lang mag-send. di naman kawalan yun. hahahahaha.
pero mas maigi sana kung mag-send ka na lang. ano ba. ang KJ mo talaga. pramis, di ako ma-dedebelop kung makita ko yun, kung yun lang ba naman ang ikinakatakot mo. AHAHAHAHAH
*bleh*
hahaha kaw naman pa-epek ku lang yun…hahaha…
ayun o nagtampo…cge na nga magsesend na ko….hahahaha…
nakow, sayo galing yang debelop na yan ah..hahaha..cge na nga, padala na ko…
naku naku, ampilit mo talaga…haahah…
ayan na send ko na….bwahahahaha….nakapagsend ka na ba?!…. =p
dapat lang na magpadala ka na noh. haha.
salamat at nagpadala ka na. sana di masira pc ni kuya jason. AHAHAHAH
joke lang. uyy. ang magalit, unggoy…. hahaha 
talagang di masisira pc niya kase si jenta gagawa, di naman si kuya jason eh….hahahaha..=p
heller, kay kuya jason mo kaya na-send yun, edi siya una bubukas, tapos si ate jenta ang susunod na mag-eedit. ayun. chain na. sira na lahat ng pc nila. AHAHAHA
oo na cge na..hehehe..