jump to navigation

Mga Katanungan Sa Bolang Kristal December 30, 2007

Posted by aKDa in Annoying Sights, Bomba sa Siyudad, Fun fUn fuN.
12 comments

Oh sige. Dahil malalim na ang gabi, este, umaga na pala, at malakas pa din ang epekto ng kape(napapraning na nga ko kanina e), mambalahura na lang ulet tayo. As if naman kasi may iba pa kong nais pagkaabalahan.

Dahil masyado ng nawakwak ang pangalan ng site na to, ayoko ng banggitin pa dito. Pero, kung nais niyong dalawin ang site na aking tinutukoy para naman kayo’y masiyahan, or pwede din kayong magmasid duon, o kaya’y maki-join sa kanilang kagaguhan, click niyo lang yung mga links na nagkalat sa post na to(dagdag traffic din to sa kanila kugn saka-sakali…). I suppose alam niyo naman yung pinagkaiba ng itsura ng link sa normal na text? (May underline yun tsong. Iba ang font color. May lumalabas sa status bar mo pag-mouse over, yung iba nga, nags-sparkle pa, and the kind…). Kung di niyo mahanap, aba’y isa-isahin niyong i-click ang mga salita sa post na to, nang mahanap niyo ang mga nakatagong links. (Tinago daw oh!)

Nais ko kasing maging produktibong mamamayan ng bansang Pilipinas. At gagawin ko yun sa pamamagitan ng pagsagot sa mga kalokohang tanong na nakalap ng isang kaibigan itago natin sa pangalang Booba. Maraming salamat sa iyo Booba.

Nakakahiya naman sa mga taong nagpakahirap mag-formulate ng mga tanong na ito. Kaya para sa kanilang kahihiyan, di ko na po babanggitin ang kanilang mga kalokohang display name.

**wala pong modification na nangyari sa mga katanungan nila. Lahat ng grammatical errors, katangahan, kabobohan, kakornihan, at kung anu-ano pang etchos ay sila po ang may-likha. Ako’y isa lamangsiraulong nais magmagaling na balahuran at sagutin ang kanilang mga katanungan…**

..msaya pah din vah ang new yr pag my bwal ang mga paputOk??
asked on December 26, 2007 09:31:59 PM
Category: Alibi(Palusot)

>Oo. Masaya pa din ang new year. Ang alam ko kasi, for public posting to, dapat mo bang ipost ang mga katanungan, na obvoius naman ang sagot. Ok, kinonsidera ko din na maaaring nais niyang kumalap ng mga opinyon ng mga kagagu-gagong kagalang-kagalangna nilalang. Pero, based on experience, di ka makakakuha ng matinong kasagutan. Kung para sa iyong thesis ang tanong na iyan, mas maiging humanap ka ng ibang lugar na maaari mong pangolektahan ng kasagutang iyong hinahanap.

what will you choose devotion or love,honestly y?
asked on December 22, 2007 09:32:28 AM
Category:

Aba naman! Bukod sa walang kahit anong mark na naghihiwalay sa honestly at y(why), medyo ok tong tanong na to. **Wooshoosh!**  Ang nakakatuwa lang dito, parang slumbook yung dating. Lam mo yun? Parang what is love? Love is blind. LOL. Naalala ko, nung gradeschool ako, usung-uso yung mga slumbook. Pasensya ngunit di ko ito masasagot. Kasi, kung ikaw nga nabubuwang sa katanungan mo, ako, nawiwindang. Pwede, isang tasang sabaw na lang yung piliin ko? Thanks. Eto bayad manang / manong.

..madlanG pipoL:okiE kah lanG vah???
asked on December 20, 2007 09:43:10 PM
Category: Alibi(Palusot)

Translation : Madlang people : Okay ka lang ba?

Hanggang ngayon, basag na basag pa din ang bungo ko kakaisip kung bakit trip na trip nilang isubstitute si Ginoong “V” kay Ginoong “B”? Salamat sa mabuting nilalang na may mabuting-pusong magpapaliwanag sakin kung bakit. Another thing, what’s that hanging “H” for? Para maubusan ka ng hangin pagtapos mong basahin ang tanong niyaat nang ang isagot mo sa tanong niya e, “di ako ok.” Then, the drama begins…”

Gabe? Istatue? Naalala ko bigla yung “Yakult Everyday, Everyday Ok!” Parang health check pala yung post na to. Haha. I wonder kung everyday niya ba tong pinopost. Haha. Computer-generated ang posting. LOL.

Sagot sa tanong niya : Ok lang ako. Baket? May pakelam ka

i never had a dream come true…till the day i found you. anung meaning niYAn para sau…nakakarelate ka ba sa kantang yan??(lyrics lnG yan aHH indi sia titLE nung song)
asked on December 20, 2007 03:09:53 AM
Category: Family & Relationships

Alam niya sigurong bobo ang makakabasa nun, kaya may note sia sa end nung tanong niya. Tangena. Kung yan yung title nung kanta, aba’y tinalo niya pa yung Chu Chu Lovely Muni Muni Mura Mura Purin Purin Boron Nurururerorero. Haha.

..watz d toyz 4 big bOiz??
asked on December 19, 2007 11:05:40 PM
Category: Alibi(Palusot)

Miss Minchin : Sarah, spell boys…

Sarah : b! capital O! i! z! bOiz!

Miss Minchin : @%^@#$ kang bata ka! Lumayas ka sa harapan ko! Tapos na ang pagiging prinsesa mo!

Eto, ibang version naman ng substitution. Si Kumareng “S” naman ang kanyang ibinasura at pinalit sa pwesto si Kumareng “Z”. ZUZYAL!

Hmm, toys for the big boys? Iba-iba naman yan. Depende sa trip ng kung sinong big boy ang pinaguusapan. Kung ang tatanungin mo ay yung big boy dun sa kanto ng Ever, ang mga toys niya, ay itak, barbeque stick, cutter, rugby, and the kind. And, mahilig din pala siya sa mga cellular phones. Oo. mahilig siyang mang-snatch ng mga cellular phones.

…to be continued.

boys be December 29, 2007

Posted by wei vines in Bomba sa Siyudad.
Tags: , ,
23 comments

Sa lahat ng mga inuman party na napupuntahan ko, I can’t help but mainis. Umiinom kami para magkwentuhan at magkatuwaan. Hindi kami alalay.

Take note: This is base on the author’s experience.

  • Feeling lasshheeennng na at maglalakad lakad maglilikot para lang masabing lasing na.

>Maraming ganitong babae na naencounter ko. Gusto nilang may sumalo sa kanila, may yumakap, at may mag ‘care’ sa kanilang lalake. Hindi ko alam ang ‘totoong’ intention nila dito pero huhulaan ko na lang: nagpapapansin.

>Girls, kung di pa kayo lasing talaga, o kung gusto nyong magpapansin, pwede naman kayong sumayaw sa table para matuwa naman kami. Hindi yung maghahanap pa kayo ng ‘knight in shining dress’ para lang may mayakap kayo o kaya naman para exciting ang araw na yun para sa inyo.

  • Tipong, ginagamit ang alak para aminin sa lalakeng nandun din na mahal niya siya.

>May mga ganitong tipo talaga ng nilalang na pag nasa kalye na, yayakap na siya sa ’secret love’ niya at sasabihin na: ‘i love yoooww! Ang manhid manhid moW! bakeYt di mo nararamdamaannn!!blah blah blah!’ at syempre, ang lalake, mahihiya. Hindi lang sa kasama, kundi sa buong tao sa kalye.

>Girls, kung aamin lang naman kayo samen, pwede namang hindi ka iinom para lang sabihin yun diba? don’t tell me na nagpapatapang nagpapalibog sa inyo ang alak. Kung yun nga lang..better announce to the guy what you feel–pag kayo lang dalawa nakakarinig.

  • Hindi na kaya, pero iinom pa.

>This is reallllyyy pathetic…to us I mean. Yeah, we dare you to drink a dosage of beer pag di na kaya… But don’t expect us that we will carry you after the session. Yeah, responsibility nga namin kayo..But please, walk with your own feet.

> Well, yun nga yung masaya di ba? ang malasing? pero wag makulit pag sinabing wag muna umuwi. At bakit di namin kayo kagad pinapauwi? simple lang: para pag nasa daanan na kayo, konti na lang ang amats nyo. Makakauwi kayo mag isa.

  • Ang magsuka sa harapan ko!

> Eto ang pinaka grossy aside sa nagssex na aso sa harapan ko. Lalo na pag hindi kita friend at tapunan pako ng suka para masabing lasing ka na.

>Meron pa namang natitirang ‘tino’ sa kamalayan mo para tumakbo sa cr o kaya naman, magsuka na hindi nakaharap sa mga to. Kadiri to mare! Hindi lang nakaka turn off to. Nakakawalang gana ka isama sa mga inuman.

Like what akda said in her posts ‘bastusan tayo!’ suggestion lang to (?!)…. kung may reklamo, sumbong mo kay tulfo! ok? ok.

.

.

.

[w.vines]

Ang Kwarto December 29, 2007

Posted by dave1112 in Fun fUn fuN.
4 comments

Paano namin natransform ang kwarto…

image034.jpg

image030.jpg

 

image029.jpg

image028.jpg

 

a.k.a Comfort Room

image015.jpg

Pakipaliwanag kung bakit may JOY diyan?

 

a.k.a Construction Site

image032.jpg

See the helmet? Isn’t he gorgeous?

Eh sige, ispatan niyo na lang yung arnis…

 

a.k.a Computer Room

image020.jpg

So, kelangan kasama yung nakikigamit ng PC?

image021.jpg

At nagkalat pa yung nakigamit ng PC…

a.k.a Kusina

image005.jpg

… na may ka-jamming na bag…

image007.jpg

See? Eto ang modern dining table… Dining bed? Dining papag… Ok? Ok.

image019.jpg

Guyabano Juice turned into iced water…

image018.jpg

Ang kontrobersyal na thermos na na-feature pa sa The Buzz at sa Startalk.

image017.jpg

Ang linis kumain. Kanino ba to?

image016.jpg

Ang dugyot kumain. Kanino ba to?

image014.jpg

Ang spaghetting lasang MENUDO…

 

image010.jpg

WOW! Ang linis ng plato!

image011.jpg

WOW! Ang dugyot ng plato. (Clue:Sa kanya din ung bowl na dugyot kanina…)

image009.jpg

The Kaldero Star

 

image008.jpg

- Family Picture-

 

 

AND THEY LIVED HAPPILY EVER AFTER…

…BOW…

~dave

~aKDa

 

(malabo ang pictures, 6600 lang kase pinangkuha, na-drain naman kase yung digicam ni aKDa, di tuloy namin nakunan ng masinsinan ang kontrobersiyal thermos…)