jump to navigation

Do tough men wear pink shirts? I don’t think so… November 22, 2007

Posted by aKDa in Fun fUn fuN.
4 comments

I’ve seen plenty of neon pink shirts roaming around the streets. With some stupid quote saying, TOUGH MEN WEAR PINK, HOT GUYS WEAR PINK, or the whatevers. Di ko nga alam kung kelan nagsimula ang trend na sukatin ang pagiging TOUGH at pagiging HOT ng mga mama sa mga suot nilang t-shirt. Kabobohan yun pare. Walang ka-challenge-challenge yung pagsusuot ng neon pink na shirt. Pramis.

Ansakit kaya sa mata nung neon pink na shirt na yun, lalo na kung maaraw. Parang kulang na kulang sa atensyon yung mga taong ganun. Ay sorry, kung nasaktan ko yung fashion sense ng mga nagsusuot ng neon pink sa tanghaling tapat.

Pero bago na ngayon, hindi na TOUGH MEN WEAR PINK (shirts), kundi,

TOUGH MEN WEAR DRESSES


Naka-leather shoes sila! Oh yeah. Rock on!




Sige nga, mag-comment ka nga dito..

Yan… Yan ang dalagang Pilipina.


Tough men? They wear pink, purple, and green dresses.
DSC02326.JPGMga taga-eng’g ata sila. Pero nakisawsaw ako sa event nila, feeling eng’g kasi ako. LOL. Mantakin mo yun, nakisawsaw ako dun sa event nila kahit na naka-PE uniform ako, at kahit na kagagaling ko lang sa PE class ko. Damn. Haha.

Di pa ko nakuntento sa mga pictures na to, binalak ko pang kausapin yung mga contestants(?) para makunan ko silang lahat, kulang kasi to, bale, eto na yung final round. Haha. Kaya lang, nagbihis na sila, di na kinaya yung kahihiyan.

Thanks Payi for lending me your phone-slash-camera-slash-mp3-player… ^_^
And the winner is….
Cinderella-(ella)-(ella)-(ella)-(eh)-(eh)-(eh) (Yan yung sinisigaw nung mga taong nagbigay ng moral support kay Cinderella. Haha. Di ko matandaan kung sino si Cinderella, basta isa siya sa mga nakapink na dress.

Where I’ve Been These Past Three Days November 12, 2007

Posted by dave1112 in Uncategorized.
Tags: , , , ,
5 comments

Napunta kami ni mommy sa Manila last Wednesday for my check-up. Balak talaga namin two days lang kami sa Manila pero sabi ng isa kong doktor sa VMMC eh bumalik daw kami sa Friday para makita ko ng isa pang doktor doon kaya ayun we’ve been there for three days at Friday afternoon na kami umuwi. Nung Wednseday pagdating namin dun eh umuwi muna kami sa lola ko roon. Bale dun kami namalagi.

Mga ilang oras lang umalis na uli kami ni mommy from Caloocan. Nagpunta kami sa East Avenue (hindi sa mismong EAMC sa banda lang dun) para magpa-CT Scan. Nasa CT Scan clinic (?) na kami ng mga I think around 8:30 pero hindi agad ako naisalang kasi may mga nakapila pala. Kaya pangatlo ako at inabot kami ng mga 11:00 for my turn. Umalis kami dun mga magte-twelve o’ clock na.

Since on fasting nga ako before the CT Scan, sabi ni mommy pumunta na lang kami sa SM North para dun na kami mag-lunch. At doon na nga kami nag-lunch sa Food Court. After ng lunch, umakyat na kami para maghanap ng kung anong mabibili dun. Naghanap kami ng damit ko para sa ’schooling’ ko. Hindi niyo naitatanong ako’y madiwara pagdating sa mga damit. Hahah. Basta madiwara lang minsan kasi pag bumili ako ng damit tapos pag naisuot ko then pag di ko siya nagustuhan di ko na uli siya isusuot. Aksyado nuh?! Ewan ko ba. Mahirap kasi ako hanapan at bagayan ng damit dahil ako’y napagkapayat-payat na habang ang iba ay halos magpakamatay sa kaiinom ng slimming pills para pumayat *peace!*, eh ako naman eh halos gawin lahat ng paraan para tumaba lang. Pero wala eh. Wala. Wala talaga. Hindi ko alam. Hindi na nga kain ang ginagawa ko. Hindi rin lamon, mas masahol pa roon pero ewan ko kung bakit walang kalaman laman ang aking katawan. Ang tumataba na nga lang eh yung tiyan ko. Tama na ang usapang baboy. Balik sa kwento. Bukod sa damit eh bumili na rin akmi ng sapatos kasi yung isa kong sapatos nawala na. Kakaparoot parito namin sa Caloocan (na parang ginawa lang naming kabilang kanto sa mga nagdaang buwan) eh di ko na malaman kung saan napadpad. Sayang pa naman. Wala pa yun isang taon sa ‘kin ng mawala pero ano magagawa ko. Naglayas eh. Hmmmm.

Sa paghahanap ng damit (sa panahong ito), di na ako nagdiwara. Kaya di na kami nagtagal sa damit. Pagkatapos naming makahanap ng damit, sapatos na ang inatupag namin. ‘Yan! Madiwara rin ako pagdating dyan. Gusto ko kase hindi madaling narurumihan pero ano na naman uli ang magagawa ko. Pinagpapasok ko siya sa school eh kaya kapalaran na rin niya siguro ang marumihan. Tsk tsk tsk. Tungkol sa kadiwaraan sa sapatos, gusto ko pag magsusuot ako nun ay hindi siya madumi. Kunsabagay, di naman talaga dapat umaalis ng bahay na sobrang dumi ng sapatos. College na eh. Pero ako talaga inaabot ako ng higit kinse minutos sa sapatos lang. Yeah, tama, kinse minutos nga. Ultimo kasi sintas ng sapatos eh gusto ko magkapantay. Di ko nga alam kung saan ko nakuha itong kadiwaraan na ‘to. Hindi pa naman siya fully developed nung highschool pa ko (parang talento eh noh?!), pero mayroon ng konting litro nung highschoool pa lamang ako.

So ayun na nga. Nagsimula na ang madugong paghahanap ng sapatos. Naghanap kami sa mga Sports house, sa kung ano ano pang shoe store. Marami rin kaming napuntahan. Inabot kami ng mag-i-isang oras kaiikot lang sa mga stalls dun. Andun yung lalakad, mag-e-escalator, tapos mg-e-elevator. Pero dun din kami napadpad sa Department store mismo. Nagpunta kami sa shoe section. Naghalungkat. Naghanap. Nagdiwara.

Sabi nga ni mommy,
“Anu ba ‘yan kadiwara mo naman.”

Ngumiti na lang ako at sabi ko,
“Sige marami pa roon, maghanap pa tayo.”

Naghanap uli.

.
..

….
…..
……
…..
….

..
.

Sabi ni mommy,
“Eto na lang.” (May nakitang isang sapatos.)

Sabi ko,
“Sige kunin mo.”

“Ayan ka na naman, kunin, tapos di mo isusuot.” Sabay tawa.

Tawa rin naman ako.

Napagtripan na nga lang namin mga sapatos dun eh. Pag sinabi ni mommy na “eto na lang” sasabihin ko naman “Kunin na.” Paulit ulit na lang. Pareho na kami napagod kahahanap. Kaya sabi ni mommy humanap ka na ng bibilin natin.

“Eto na lang. Eto yung nakita ko sa Pacific eh. Yan yung nakita ko nung tumitingin tayo ng sapatos para sa Intrams namin sa AMA kaso wala naman size dun.”
(At nabili nga namin nun eh yung nawala na sapatos.)

“Baka naman hindi mo isuot yan? Sa simula lang.”

“Sige isipin ko.”

Sige isip naman ako.

Nagtagl uli ako kaiisip. Si mommy naman nag-ikot na. Naghanap na sa ibang brands. Dun uli kami nagtagal.

“Ito na nga lang.”

“Sigurado ka?”

“Oo. Yan na lang. Maskit na binti ko kaiikot. Ito na lang.”

“Maliit ‘to. Pahanap tayo ng ibang size. Teka tawagin ko yung saleslady.”

Pero wala nang saleslady. Iniwan na kami. Sabi siguro ikot lang kami ng ikot mukhang di naman bibili. Kaya siguro iniwan na kami. Heheh. After mga 1-2 minutes may dumating na saleslady. Nagsalita si mommy.

“Miss may size pa nito?”

Binigay ni mommy yung sapatos sa babae.

“Ano po bang size?”

“11″

“Ay sa kanya po ba?” (patungkol sa ‘kin)

“Oo.”

“Ay di po rito ‘yung men’s shoes. Sa girl teens po ‘yung andito.”
Anak ng takong. Higit isang oras kami naglisaw lisaw dun. Di naman pala dun yung para sa ‘kin. Malay ko ba. Mukhang panlalaki eh. Kaya pala kako maliliit yung sizes pang teens pala walangya hahah.

Kaya ayun tinuro na lang kami kung saan ang ‘tamang landas.’ Nagpunta kami dun. Natatawa na lang kami. Ah ewan. Tiga bundok eh. Hahah. Naghanap uli. Nagdiw— (basta dating gawi). Pero buti na lang bago matapos ang araw at bago na rin kami abutan ng ulan eh nakapili na rin ako. Sa wakas.

Kinabukasan…..

Gumayak kami paalis para i-pick-up yung resulta ng CT Scan at para na rin dumaan muna sa VMMC at ipakita sa doktor ko dun ang resulta. At didiretso na sa USTH para sa isa ko pang doktor dun. Ang walangya ko namang mata may napansin. Ang sapatos. Nang isinusuot ko na siya, napasin ko di pantay ang dila ng sapatos (dila ba tawag dun?). Ayun sinabi ko kay mommy. Oo nga raw. Hindi pantay. Sabi alisin ko na raw at mag sandals na lang daw ako para maipalit. Nag-alangan ako. Excited kase akong isuot na eh. Walang magagawa eh. Isip bata. Hahah. Pumayag na ko para maipalit at dala dala na nga namin siya. Punta muna sa CT Scan Clinic, then VMMC, check up tapos tinanong namin yung doktor if pwede na ko pumasok this semester. Sabi niya pwede na raw pero humingi daw kami ng permissio sa doktor ko sa USTH kahit verbal lang and balik na lang daw kami bukas para siya na lang gumawa ng Medical Clearance at para na rin makita ng isa ko pang doktor dun. Then punta kami sa SM North. Ayun pinalitan naman yung sapatos. Edi okay na. Kaya dumiretso na kami sa USTH. Edi konting check ups. Tinanong namin yung doktor ko kung pwede na ako pumasok sa school. Pwede na raw sabi niya. Umuwi na kami. Okay na ang sapatos at naisuot ko na kinabukasan.

Friday na.

Bumalik kami sa VMMC for the Medical Clearance. After nun umuwi na kami sa Caloocan at gumayak na. Uuwi na kami. Nagpunta na kami sa terminal sa 2nd Ave. Nadatnan namin ang pila ng tao. Ang haba. Nagtataka ko. Tapos naman na Undas. Pero kahaba pa rin ng pila. Matagal tagal din kaming nakatayo sa pila bago dumatingyung bus ng Cabanatuan. Inuna pa kasing punuin yung bus ng San Jose. At nang dumating na nga ang bus eh umakyat na. Buti na lang at organisado ang tao at wala naman nangunguna sa pila pwera na lang sa isang mama sa likod ko. Nung lumalakad na yung linya namin eh humakbang ng pagkalaki laki. Mukhang sisingit pa ang mokong. Matanda na eh gago pa rin. Hahah. Mga trenta hanggang kwarenta siguro ‘yung mama. Pero hindi niya naisakatuparan ang maitim na balak niya dahil bago pa niya ko unahan eh hinarangan na siya ni mommy. binilisan ni mommy yung lakad at medyo gumilid sa kanan. Nanggigilid yung mama eh. Hahah akala ng mokong na ‘yun. sabi ko kay mommy loko yung mama. Oo nga raw sabi naman niya. Kaya nga raw siya humarang na eh. Edi ayun nakasakay na ang lahat na walang dumanak na dugo. Hahah. Sa loob ng bus. Ang tanging naka-on lang ay ang radyo. Dati pag umuuwi kami at naghihintay ng iba pang pasahero eh naka-on na yung t.v. pero wala. Kuripot sila ngayon. Nasa bandang expressway na nung binuksan yung t.v. Binuksan siya ng konduktor pagkatapos mag-issue ng tickest ang makapaningil. Nagsalang ng pelikula. Simula pa lang ng pelikula kinakabahan na ko. Alam kong may mangyayare. Hanggang ayun na nga naghubad na ang babae. Anak ng pekwa. May bata pa naman sa harapan namin. Hahah. Hmmm. Ayun iba na talaga ginagawa. Napapatingin na lang ako sa bintana ng bus. Pero buti naman at di siya ang pelikula na iniisip ko. Paepek lang pala yun. parte lang. Hahah. Natapos na ang karumal dumal na scene at nagtuloy ang movie hanggang sa makita ko yung title: “Naked Weapon. ‘Yun pala kako yung title. Edi tuloy ang panonood. Maganda naman yung pelikula. May halong martial arts.

Si mommy naman napadako yung tingin sa labas ng bintana. Nakita dun yung parang ‘castle’ amidst the bukid. Malayo siya. Di naman sa gitna mismo ng bukid. Sa other side pa.

Sabi ni mommy, “Ano ‘yun? Resort?”

Ako naman dun din pala nakatingin.

“Ah ‘yun ba?” sabi ko.

“Oo ‘yung parang castle. Siguro resort.”

“Siguro nga.”

Tapos yun naman dalawang nakaupo sa likod namin ni mommy eh nakita rin yata. Alam ko di nila narinig yung usapan namin ni mommy. Mahina lang naman kasi. Pero siguro nakita rin nila.

Sabi ng babae sa kasama niya, “Siguro palaruan ng bata ‘yun?”

Sabi ng lalake, “Ah alin? ‘Yun? Siguro nga.”

Nagkatinginan na lang kami ni mommy at natawa. Sa isip isip ko lang, ang laki naman palaruan ng bata ‘yun. Ang laki naman palaruan yun. Resort na nga eh naging palaruan pa. Hahah.

Edi tumuon na lang kami uli sa pelikula. Everything went smooth hanggang sa kumana na naman ‘yung nasa likod namin. This time it’s about the movie na. Kasalukuyang fight scene ang eksena. Brutal. Madugo ang eksena.

Ang babae uli unang nagsalita. Kausap yung kasama niya.

“Ano ‘yun nag-aaway sila?”

Napataas ang isa kong kilay at napa-ismid. Pero may halong tuwa’t saya yun pramis.

Sa loob loob ko, “Anong nag-aaway? Nagpapatayan na nga eh.”

Sinabi ko kay mommy yung narinig ko at natawa siya. Binalewala na lang namin at nagpatuloy na lang sa panunuod. Natapos din naman namin yung pelikula. Kahit papikit pikit yung t.v. monitor sa bus. ‘Yung tipong tatapukin para sumindi uli. Naka dalawa kaming pelikula dahil na rin sa bagal magpatakbo ng driver. ‘Yung huli eh yung Commando pero di na namin natapos dahil nakarting na ng Sta. Rosa ‘yung bus.

May mga tao at pagkakataon din naman pala na pwedeng mapagkatuwaan at mapagbalingan ng atensyon para makatakas ng panandalian sa mga gulo’t problema sa buhay, at mapagpulutan ng kaunting kaligayahan.

sFelling ng mga chatters ngayon November 11, 2007

Posted by wei vines in Bomba sa Siyudad.
Tags:
17 comments

umalala na ang epidemya ng wrong sfell..o yung mga iniiba yung spelling?!!!! tae..sa dami ng mga wrong sfellers sa mundo ng internet chatting ang blogging…mapapatawad mo pa yung nagsshort cut ng txt messaging kasi may limited characters;pero sa chatting…wala naman diba?

23:04, 23 Oct 2007

dhear: promwwwwzz

-o ha??!!! anong basa dyan??!! una kong basa dyan eh : ‘proms’… kaya na pa:

23:04, 23 Oct 2007

wei: huh? -na lang ako…

-nung hindi sumasagot.. inisip ko kung ano yun.. buti na lang hindi ako ganun ka tanga para mabasa yun as ‘promise’..oo nga pala… may sikreto pala siyang sinabi..tungkol sa crush daw niya ung admin sa oyaye* na si jerome at si red, na modi naman ng oyaye*(<<balak ko sana okrayin to pero ang concentration ng blog na to ay ang wrong sfell.) kaya may pa promise promise pa siyang nalalaman.

-balik tayo sa kwento-

dahil napatanga ako sa ‘promwwwwzz’ nya..dapat ako makabawi. [hehe] kaya eto sunod kong sinabi habang wala pa siyang tina-type:

23:05, 23 Oct 2007
wei: oo dhear..promise…grabe..eto spell ng promise oh!!

23:05, 23 Oct 2007

dhear: wei namn ehh

23:06, 23 Oct 2007

wei: oo nga yan nga ang sfell!!juice ko!!!

23:06, 23 Oct 2007

dhear: toinks

-anong ikina ‘toinks’ nya?? toinks kasi ang tanga ko ganun??o toinks kasi ngaun nya lang naalala??! sarap sana sabihin: “di ka ba nag aral ng spelling sa english?!”..pero syempre…mabait mode si wei. dapat mabait ako…dapat mabait talaga ako…

sa oyaye* madaming kapuna punang mga nakasanayan na nila sa spelling..eto sample:

wer dyaH lyk to eat? restaurants, turo-turo, bahay, ettc?
(6 answers) .asked by BreesHey on October 23, 2007 09:11:35 PM
Category: Alibi(Palusot)

-kelan pa humaba ang spelling ng ‘do’?..kelan pa naging spelling ng ‘like’ ang ‘lyk’?panong naging double t ang etc.? dapat ba talaga sisihin ang text messaging? hindi siguro. Nasa tae lang talaga kung paano lalagyan ng ’style’ ang words nya.

..nbabasag vah ang heart at ngkarOon nG mga taong hear broken??
(6 Answers).asked by jOann on October 23, 2007 09:02:49 PM
Category: Alibi(Palusot)

-sa dinami dami nyang tanong sa oyaye ask*, kapansin pansin ang overused word nya na ‘V’.. as in Va…. vavoy.
-eto naman..nakalimutan naman niya ang ‘t’ sa heart…o baka naman yung ‘hear broken’ eh definition ng ‘deaf’..tingin nyo?


kung sa tingiN mow pinaG mamaLaki mOW yang kagwaPuhan moW sA frenD k
oh no! d ka papasa saKin..
kaYA bawaS bawaSan yaNg pagiging maYabaNg moW

BreesHy

October 23rd, 2007

Network: 243 friends

 

 

-Oo galit siya nyan..pero natawa talaga ko sa post nya sa bulletin sa oyaye* [hehe] emphasize pa yung letter ‘W’ as in ano poW..haha! kung yung isa eh mahilig gumamit ng ‘Va’ ..siya naman ang fanatic ni letter ‘W’…[hehe].. minsan pala nakakaaliw yung kabobohan..este nakasanayan na nilang gamitin na sFelling… diVa? madami yan..sobrang dami mapapatawa ka na lang… weee…

[w.vines]